IRENEGARCIA31:
ako po nagpagawa ng contract to sale noon 2012 (hindi notaryado) para sa binibiling bahay na nagkakahalaga ng 800,000 na babayaran po sa loob ng 5 taon..pirmado po eto ng mag-asawang may-ari at nang dalawang testigo.. ngayon po ay 70k na lang po ang aking balanse..
May, 2014 ay na-demanda ang may-ari ng bahay na binibilhan ko po tungkol sa utang na hindi nya nabayaran sa isang kamag-anak..(180k) at nanalo po ang nagdemandang kamag-anak..
nakatanggap po ako ng notice of garnishment.. mula sa kamag-anak na nagdemanda, that i am therefore advised not to deliver, transfer otherwise dispose of the said money sa may-ari ng bahay na binibilhan ko. at sinabihan po ako na sagutin ang notice of garnishment.. aware po ang nagdemanda na 70k na lang ang balanse ko..
ang tanong ko po.. makakaapekto po ba ang hindi pagkanotaryo ng contract to sell?? maaari po bang kunin sa amin ang bahay??
anu po ba ang maaari kong gawin?? ako po ay nangangamba at SAna po ay matulungan ninyo ako.
SAGOT:
ANG KORTE SUPREMA AY NAGDESISYON SA KASO NG TIGNO v. AQUINO G.R. No. 129416 November 25, 2004 na meron ding isyu na tinalakay tungkol at gaya ng iyong suliranin:
ang opinion ng korte ay:
What then is the effect on the Deed of Sale if it was not notarized? True enough, from a civil law perspective, the absence of notarization of the Deed of Sale would not necessarily invalidate the transaction evidenced therein. Article 1358 of the Civil Code requires that the form of a contract that transmits or extinguishes real rights over immovable property should be in a public document, yet it is also an accepted rule that the failure to observe the proper form does not render the transaction invalid. Thus, it has been uniformly held that the form required in Article 1358 is not essential to the validity or enforceability of the transaction, but required merely for convenience. We have even affirmed that a sale of real property though not consigned in a public instrument or formal writing, is nevertheless valid and binding among the parties, for the time-honored rule is that even a verbal contract of sale or real estate produces legal effects between the parties.
ANG IBIG SABIHIN AY: hindi man daw notaryado ang kasunduan ninyo sa pagbili ng lupa ito ay pinapalagay din ng batas na legal ang inyong bentahan bilang isang pribadong kasunduan. Kung ito ay na notaryuha, ang inyong kasunduan ay magiging isang pambublikong bilihan na napapaloob sa isang dokumentong pambubliko.Na, kahit daw isang verbal na kasunduan ay tinatanggap na batas na wasto o legal maliban na lamang doon sa tinatadhana ng batas na dapat ito ay nasa isang pormal na kasulatan.
ANG IKALAWANG TANONG AY ANONG BISA BILANG EBIDENSYA NG ISANG BILIHAN NA HINDI NAKA NOTARYO? May bisa ba ito bilang ebidensya sa korte kung may usapin tungkol dito.
sabi sa naturang kaso:
"Still, the Court has to reckon with the implications of the lack of valid notarization of the Deed of Sale from the perspective of the law on evidence. After all, the case rests on the admissibility of the Deed of Sale."
Kung hindi daw notaryado ang isang bilihan ng lupa, ito ay magkakaroon ng character na isang pribadong dokumento na maaaring patunayan ng:
Section 20. Proof of private document.—Before any private document offered as authentic is received in evidence, its due execution and authenticity must be proved either:
(a) By anyone who saw the document executed or written; or
(b) By evidence of the genuineness of the signature or handwriting of the maker.
Any other private document need only be identified as that which is claimed to be.
NGAYON, ANG INYONG BILIHAN AY MAARING PATUNAYAN NG KUNG SINO MAN TUMESTIGO SA PAGAWA NG KASULATAN O MGA WITNESS NINYO. SINO MAN ANG KAHARAP NG ITO AY INYONG ISINAGAWA NG NAGBIBILI AT BUMIBILI PATI NA ANG MGA SAKSI NA NAKAKITA NG LUMAGDA ANG NAGBIBILI o NAGBEBENTA NG BAHAY.
YAMAN DIN LAMANG NA ANG BAHAY NGAYON AY MAY DALAWANG PANIG NA NAGHAHABOL o MAGHAHABOL, ANG SA AKIN AY LAKASAN MO ANG IYONG LOOB NA IPAGLABAN ANG IYONG KARAPATAN SA BAHAY.
LUMALABAS NA DALAWANG TRANSAKSYON SA BAHAY -- 2012, ung sa iyo at dun sa isa (hindi mo sinabi kung kelan ang dokumento ng sanlaan). Dahil sa nanalo ang pinagsanglaan, ngayon dahil ikaw ang namumusisyon sa bahay obligado ka na harapin ang kasong legal na yan.
sana kahit papaano ay nasagot ko ang iyong katanungan.
Atty Karl Rove