Question lang po regarding labor laws in terms of undertime.
Ang scenario po kase ay down po ang computer systems and tools kaya hindi nakakapag trabaho ang ilang mga tao sa isang company. May mga ilang naayos naman ang system agad kaya naka pag work ng maayos pero may ilan namang hindi tlaga nagawa simula umpisa ng araw (Lets say 8-5 ang shift)
nag decide na lang po ang company na pauwiin na lang lahat ng mga hindi naka pag trabaho simula 8am ng 2pm dahil sa nagsabi na ang system admin na hindi na magagawa pa ito ngayong araw. Ito ay considered undertime. babayaran pa din sila from 8am to 2pm kahit wala silang nagawang trabaho at all.
Tama po ba ang company sa decision nila or pwedeng labag to sa batas at marereklamo ng mga tao na napauwi nila na hindi nabayaran ng buong araw?