sinabi ko sa landlord namen yung plano namen at sabi ko sa kanya icoconsume nalang namin yung 2 months deposit. nagbigay kame sa kanya ng 1 month advance 2 months deposit in staggered payments na nakumpleto namin along with our regular monthly rent upon move in.
wala kameng written contract at wala syang official receipt. yung receipt nya binili lang sa bookstore at hindi naka carbon copy which hinayaan lang namin kase nagtiwala kame. ni refer kase sya sa amin. hindi rin masyadong maganda yung apartment. may mga sira na dahil sa laging pagbabaha. pero wala naman kaming reklamo dun kase nakita namin yung unit bago kami lumipat.
nung sinabi ko sa kanya na lilipat na kame at icoconsume nalang namin yung 2 months, ang sabi niya eh 1 month lang daw ang pwede namin ma consume dahil nagamit na daw namin yung 1 month advance namin nung bago pa daw kame. wala kaming pinag-usapan na ganun nung kalilipat pa lang namin at natapos naming bayaran yung required payments.
hinihingan ko sya ngayon ng kopya ng mga receipts at kontrata (kung meron man) para malaman namin kung kelan namin nagamit yung advance payment. sabi nya hahanapin pa daw niya kase baka nawala na. ngayon ayaw nyang makipag usap kesyo may lakad daw sya araw-araw.
ang tanong ko po:
1.ano po ba ang sunod na dapat kong gawin?
2.saan po ako pwede magreklamo?
3.pwede ko ba syang ireklamo sa BIR dahil sa hindi nya pagbibigay ng official receipt?
thanks in advance po.