Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

property ng namayapang unwed woman,sino magmamana?

Go down  Message [Page 1 of 1]

pinkheart


Arresto Menor

magandang araw po attorney!

ako po si Ana, 23 years old. nanay ko po ay si Ms.N. isa po siyang dalagang ina. kami po ay pinatira ni lola L. dito sa bahay niya mula nung grade 1 po ako. si lola L. ay matandang dalaga. namatay ho siya nung 2003. hanggang ngayon, dito pa rin po kami sa bahay niya nakatira, though noong 2006, umaalis kami kasi pumasok po kami ng nanay ko bilang katulong sa kabilang bayan para maipagpatuloy ko ung pag-aaral ko.minsan po, binibbisita namin ng nanay ko, naglilinis kami. nun pong early 2008, bumalik na kami dito sa bahay. umalis ulit kami ng nanay ko nung november 2011 kasi po nagtrabaho ako sa manila. sinamahan po ako ng nanay ko dun. nung june 2012, bumalik na po ang nanay ko dito sa bahay. at ako po ay bumalik din dito sa bahay nung october 2013. pinaayos po namin ang bahay, may permiso po ni lola F. (kapatid ni lola L.) so hanggang ngayon po, kami pa rin ang nakatira sa bahay. wala po kaming ibang kamag-anak na tumira dito sa bahay nung mga panahong wala po kami.

si lola L. po ay may 5 na kapatid
1. lolo Q.
2. lolo A. (+)
3. lolo E.
4. lola F.
5. lola B. (+) siya po ang mother ng nanay ko

ngayon po, netong taong ito, dumating po yung mga kamag-anak namin galing manila. si mrs. C na asawa ni lolo A (+). anak po nila si mrs. P. ang sabi po ni mrs.P, siya ay legally adapted ng uncle ni lola L. na si greatlolo M. si great lolo M. po ang nagpapadala ng pera nun kay lola L. sabi po ni Mrs. P, hindi maitatayo ni lola L ang bahay kung hindi binigayn ng pera ni greatlolo M. sa adaption papers po ni mrs.P, si greatlolo M po ang nakalagay na father niya, wala pong mother dun. sa assessor's office naman po, ang nakalagay na owner ng house and lot na tinitirhan namin ngayon ay si Lola L. wala na pong iba.

sabi po ni mrs P. siya daw ang may karapatan sa bahay sapagkat, inadopt siya ni greatlolo M.
sabi ko naman po na wala siyang pruweba since ang nakalagay na may-ari ng bahay at lupa ay si lola L. lamang

ngayon po, binebenta po nila samin tong bahay at lupa na tinitirhan namin. eh wala naman po kaming malaking pera para mabili ito. so sabi ko po, hindi namin kayang bilhin.

sabi po ni mrs. P, kung hindi daw namin bibilhin, bakantehin daw namin ung isang kwarto para daw po may matulugan sila pag pumupunta sila dito. eh kaso po, ayaw namin ng nanay ko since hindi naman kami in good terms nina mrs. P. ang mga lolo at lola ko na nabubuhay pa ay hindi ho nakikialam sa problemang ito.

pasensya na po kayo sa haba ng kwento ko

ito po ang mga katanungan ko attorney:

1. si mrs. P lang po ba ang may karapatan dito sa bahay since adopted siya ni greatlolo M. ngunit si Lola L. lang ang may-ari ng bahay at lupa according sa assessor's office?

2. wala po ba kaming karapatang tumira dito sa bahay hanggat gusto namin? eh kasi po nung pinatira kami ni lola L dito, wala naman po siyang sinabi kung ilang taon lang kami pede manirahan dito eh.

3. pag po ba, nakialam na ang mga lolo't lola ko, at gusto nilang ibenta samin ito ngunit di namin kayang bilhin, pwede po ba nila kaming paalisin?

4. pag di po namin nabili ang bahay at hindi kami aalis, may karapatan po ba kaming wag papasukin sa bahay sina mrs. p? (pagkat hindi po kami magkaayos) madedemanda po ba kami?

5. kung sakaling magmilagro at magkaroon kami ng pambayad, pede po bang ikaltas sa presyo ng bahay at lupa ang nagastos namin sa pagpapaayos ng bahay? (tsaka na lang naman po nagkainteres sina mrs. P dito sa bahay nung napaayos na namin ng nanay ko)

6. at pag nabili po namin ang bahay, paano po ang magiging hatian? yun lang po bang mga buhay na kapatid ni lola L ang magkakaroon ng equal share o pati po ang mga anak ng yumaong kapatid ni lola L.? katulad po ng nasabi ko kanina, si nanay ay anak ng namayapang kapatid ni lola L.

sana po ay matulungan niyo ako attorney.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum