Tinawagan po ako ng biyenan ko kasi they are planning to sell the property naming mag asawa, ayaw makipag usap sa akin ng asawa ko kaya ung mother nya ang kumausap sa akin. gusto nya mag padala ako ng spa with red ribbon pero d po ako pumayag. sabi ko gusto ko kung ibbenta nasa pilipinas ako. pero sabi nya pag isipan ko din dahil may babayran daw ang asawa ko at magtatayo ng apartment.
Ang concern ko po hindi n para sa akin, para na sa 3 anak namin. Hihihingi po sana ako ng advice kung anong gagawin ko, kung papayag ako na ibenta nila na wala ako, ano ang assurance ko na may mapupunta sa mga anak ko. kung bebenta naman nila na andun ako, ano po ang pwede kong ipaglaban para sa mga bata?
Yung kasal po nya sa ibang babae pwede ko po ba syang idemanda dun?
Thank you in advance po. Mabuhay po kayo.