Magandang araw po.Ako po ay isang simpling tao lang, mahirap, magulang ko po walang natapos , ako po ay nagsikap makapagtapos lamang ng pag-aaral. Wala po kaming maayos na bahay.Sira2 na po kasi wala po kaming pera. Nakatira po kami sa Lupa ng Barangay, ngunit ang naunang pinagbigyan ng Lupa ay ang Auntie ng tatay ko, dahil may utang na loob ang kanyang Auntie sa Nanay ng Tatay ko pinatira nya po kami sa Lupa niya , na lupa ng Barangay dahil may bakante po .25 years na po kaming naninirahan at dumating ang araw na namatay na po ang Auntie ng tatay ko.Anak na po niya ang namamahala ngayon. Dumating ang araw may conflict between my Father and Uncle pinsan ng tatay ko na sya na ang namamahala ng bahay at lupa ng Barangay.Hindi sya lumaki sa Barangay , 20 years old po sya umalis sa barangay buhay pa po nanay niya at bumalik 45 years old may dalang anak at asawa .Maganda pa po noong una ang relasyon ngunit dahil hindi pinahiram ng pera nagalit po at Papaalisin na po kami sa Lupa.na lupa naman ng Barangay.ang tanong ko Attorney, may karapatan po ba syang paalisin kami dahil sila ang nauna sa Lupa considering na 25 years na po kami nakatira sa lupa, doon po kami pinanganak, doon kami nagsama-sama , 7 po kaming magkakapatid..matanda na po tatay at nanay ko ,wla po kaming pera para dito, may summon na po ..2 na may palugit pong bigay.hanggang March 2016 lang ho, ano po ba?tulungan niyo po kami ..Attorney.maghihintay po ako.