Gusto ko lang po malaman kung ano ang tamang proseso sa pagbili ng lupa. Una ang kabuuwan ng lupa po ay nakapangalan sa sa isa naming tito (unwed) na namayapa na at gayundin ang mga magulang nila. Kaya ang maghati hati ng lupa ay ang mga magkakapatid. Nagpatayo ng bahay ang aking magulang sa lupang iyon at dun na tumira sa loob ng mahigit na tatlumpung taon. Ngayon umaapila na ang mga magkakapatid at kelangan ng bilhin sa kanila at ibigay ang share kaya naisip naming bayaran sila. Ang problema hndi lahat makapagpirma sa dahilang malalayo ang iba at namatay na rin ang iba.
-Valid po ba na apat lang ang pipirma sa deed of sale kasi sila naman daw ang nakakatanda sa walong mgakakapatid at sila may hawak ng original na titulo? Diba po dapat lahat ng heirs ang pipirma at hndi pwede kanya knya ang bentahan ng share kasi kabuuwan ng laki ng lupa ang nakasaad sa titulo?
-kelangan po ba na bigyan ng share ung pamilya ng namatay na kapatid?
-nasa ibang bansa po kame, ok lang po ba na mag authorize ako ng iba para pumirma sa anumang kelngang pirmahan?
Pinapahalagahan ko po kung anumang payo ang maiibigay nyo sakin. Maraming salamat po.
Marian L.