Gusto ko pong malaman kung anong karapatan ang sinasabi ng kapatid ko na nilinis ang aking lupa sa probinsiya, wala po kaming pinag-usapan verbal man o kasulatan na linisin at taniman ang 300 square meter agricultural land na nabili ko. 19 years ago po ay nabili ko ang lupa at tinataniman ng isa kong kapatid pero ngayon ay namatay na. Nong di pa namamatay ang kapatid ko ay binibigyan nya kami ng produkto ng lupa ko, katulad ng prutas at gulay. pero nong namatay siya ay wala nang ibang naglinis nito. napansin ko na lamang pag umuuwi kami sa probinsiya na ito ay may mga tanim na gulay, papaya at saging, may mga kambing na din sa ilalim ng mga puno. wala kaming natatanggap kahit isang gulay o prutas na produkto ng lupa galing sa kapatid ko ngayon na nag asikaso sa lupa. sabi ng inang ko ay pabayaan ko na lang dahil nakatiwangwang lang naman, pero nong huling uwi ko ay hindi kami pinansin samantalang halos magkalapit lang kami ng pinaglalakadan. kaya nainsulto ako sa ginawa nila, pinapakinabangan nila ang lupa ko samantalang hindi kami kinakausap na may ari ng lupa. nong kinompronta ko sila bakit sila mga bastos, hindi daw kami nakita, pero napakaimposible namang hindi kami nakita samantalang nakita kami ng anak niya at itinuro pa niya kami. in short po, sinabihan ko sila na huwag nilang pakikialaman ang lupa ko at hindi na baleng magmukha siyang gubat. pumayag naman po sila na hindi na asikasuihin ang lupa, pero lahat ng mga tinanim nila sa isang lupa na pareho ring 300 square meter ay pinutol at yung iba ay inilipat sa kanilang lupain. yung isang lupa naman na pareho ring 300 square meter ay pinataniman ko sa kanila noong maayos pa ang aming pagsasamang magkakapatid, pero ang ginastos sa pinatanim kong mangga ay pera ko at ako din po ang nagbigay ng pamasahe sa kanya. ngayon ay namumunga na at hindi naman kami binibigyan ng kahit isang bunga. sinabihan ko si inang ko na huwag na nilang pakialaman ang lupa dahil inilipat ko na sa iba ang paglilinis doon, pero lahat ng mga pinili naming maglinis ay tinatakot nila kaya hanggang ngayon ay wala pang naglilinis. gusto na pong ibenta ng aking asawa para wala ng away pero ayaw ko po dahil hinihintay ko na rin ang retirement ko para iyon ang aking pagkaabalahan. pero ang sinabi ng kapatid ko daw ay may karapatan na sila sa lupa, idedemanda daw kami sa agrarian dahil wala daw akong naitanim kahit isang puno doon.
ano po ba ang batas sa lupang aking nabili, maliliit na lupa lamang ito, parehong 300 sq meters lang po, wala po kaming usapan verbal o written na asikasuhin nila ang lupa, hindi po ba't tresspassing pa ang ginawa nila? hindi naman ito ekta ektarya para sabihin nilang para masakop ng CARP law.