Magandang araw po. Ako po ay humihingi ng tulong at kaalamanan sa sitwasyon po namin ngayon.
Ang tinitirahan po namin ngayon dati ay isang lote na may dalawang bahay sa lola ko at sa amin. Nakapisan ang kapatid ng nanay ko, asawa nya at mga anak nya sa bahay ng lola ko. Kami po ng nanay tatay at mga kapatid ko po ay nakabukod ng bahay pero doon din po sa lote na iyon. Nung nabubuhay po ang lola ko ang lote ay hinati na sa dalawa, para po sa dalawa nyang anak sa nanay ko po at sa kapatid nya. Nang ito po ay hinati na ang lupa, ang kapatid ng nanay ko ay nagpagawa ng bahay alam na po nila ang sukat ng lupa nila at sila po ang unang nagkaroon ng titulo, gawa po nung pera ng nanay ko na para pambayad sa titulo po namin ay kinuha ng mag-asawa ipinambayad sa titulo nila kaya po sila ang unang nagkaroon ng titulo. Nakisuyo po ang nanay ko sa kanilang mag-asawa (sa kapatid nya at sa bayaw nya) na kung puwede ay makikisuyo ang nanay ko kung puwede ay ibayad sya dahilan na hindi sya makaalis ng bahay. Nagbigay po ang nanay ko ng 6,000 pesos para po sa aming titulo para po magkaroon na po kami ng titulo. Pero ang ginawa po ng kapatid nya at ng bayaw nya sa pera na dapat ay sa titulo namin, ay doon binayad para sa titulo nila kaya po sila ay nagkaroon ng titulo kaagad.
Napansin mo namin nung sila ay nagpatayo ng bahay ay hindi po sukat na sukat yung lupa na sinakop po nila. Hindi po naman kami makaangal gawa ng wala po kaming pinahahawakan na titulo.
Nagtataka po si nanay ko kung bakit nagpabayad naman po siya sa kapatid nya at sa bayaw para po sa titulo namin eh kung baket po ay wala pa rin kaming titulo. Samantala po ang kanyang kapatid ay may titulo na. Nung umuwi ang tatay ko po galing ibang bansa. Sinabi nya na alamin ng tatay ko sa city hall kung baket wala pa kaming titulo eh ang kabila meron na at nagbigay ako ng 6,000 para ibayad sa titulo natin. yan po ang sinabi ni nanay kay tatay. Nung inalam ni tatay sa city hall kung baket wala pa po kami titulo ang sabi sa city hall "hindi pa po kayo bayad sa titulo". Kaya po doon nalaman ni nanay na hindi pala ibinayad yung pera na dapat po ay bayad para sa titulo po namin.
At ng nagkaroon na po kami ng titulo inalaman namin sa city hall ang sukat po ng kanilang lupa pero ito po ay natagalan kadahilanan walang pong oras para asikasuhin po ng aking mga magulang. Dahil po nung time na po na iyon ang aking ama ay nag aabroad at ang nanay ko po naman ay isang housewife po at busy po sa bahay sa pag-aasikaso sa aking mga mga anak at ako po naman ay nagtatrabaho at yung dalawa ko rin pong kapatid.
Nung kami po naman ay nagkaroon na ng titulo, ako po nagpagawa ng bahay tinayuan ko ng dalawang floor, sa ground floor po ang mga magulang ko at mga kapatid ko po. At ako po naman ay sa second floor kasama ang aking asawa at mga anak. Nung nagpapagawa po kami ng bahay year 2005 doon kitang kita po namin na mas malaki po yung sukat ng lupa nila. Nagtataka po kami ang alam namin dapat po ay sukat na sukat po dapat sa dalawang hati, dapat po ay equal. Naging busy po si nanay at tatay sa pag-aalaga ng mga apo kaya hindi na naasikaso yung tungkol sa lupa at namatay po si nanay year 2009. Yung kapatid ng nanay ko ay patay na rin po nauna po yung kapatid nya namatay year 2007.
Ngayong Aug 2013 nag-away po ang tatay ko at yung taga kabila yung bilas nya kadahilanan po sa aso. Nung nakita ko po ang aking tatay pinagsasalitaan ng hindi maganda ng manugang ng bilas nya, ako po ay sumingit at nagsalita tungkol sa aso nila dahil perwisyo po dahil napakabaho ng ihi ng aso maliit lang po ang lugar namin eskita lang po kaya po amoy na amoy ang baho ng ihi ng aso nila at sobrang ingay ng aso panay ang kahol. kaya po sa galit ay nabanggit ko po yung tungkol sa lupa, sa kuntador nila na nakakabit po sa pader namin, yung nagpagawa sila ng kuwarto na ang wall na ginamit ay wall po namin. Kaya inalam na po ni tatay kung ano po ang sukat ng lupa nila. Nalaman po namin na ang sukat sa titulo nila at sa titulo namin ay pareho lang na 64 sq mtr., pero po sa actual size ang kanila po ay mas malaki.
Sir ano po dapat gawin namin? Inilapit na po namin sa brgy. pero ang giniginit po ng kabila ay "yung matatanda daw po ang nagbakod at hindi ako papayag pag walang court order" yan po ang mga sinabi ng bayaw ng nanay ko. Nagkasundo na ipasurvey ung lupa at pumirma po ang anak ng bayaw ng nanay ko na hati kami sa bayad sa pagpapasurvey sa halagang 7,500 persos. Pero sa tingin ko po sa mga ugali nila hindi po yung makikihati sa bayad sa pagsurvey. May pinirmahan po sya na sumasangayon na makikihati sa ginastos sa survey. Ako po kase muna ang nagbayad ng buong kabayaran sa survey. Ano po puwedeng gawin pag hindi nya binayaran yung kalahing kabayaran sa survey fee? At nung napasurvey na po nakita po namin na may nakain po silang lupa namin ang sukat po ay .074 cm po ang nakain nilang lupa sa dulo at sa harapan naman po ay .025 cm. Hindi po kase pantay ang lupa hindi po diretso kaya po ganyan yung sukat. Habang papunta sa dulo ay palaki ng palaki po ang kanilang nakakain na lupa.
At sinasabi pa po nila ng mga anak ng bayaw ng nanay ko ay " magdemanda kayo at hindi kami pupunta sa hearing" yan po mga bukang bibig nila at sinasabihan po kami ng kawawa at walang pera. Ang problema pa po naming wala kaming kilalang Atty at wala po kaming idea kung magkano po binabayad sa Atty. Ang tatay ko po ay isang senior na po. Ako naman po isang housewife, ang kapatid ko na lalaki jobless po. Ang kapatid kong babae minimum wage po lang sinasahod nya.
Nakain po lupa namin, yung kuntador ng meralco nila sa pader po namin nakalagay, yung pader po namin ginawang wall ng extension na room nila, yung bubong sa may harapan sa pader din po namin nakakabit At kung anu-ano po nakakabit sa pader po namin na frames, pinto at screen door doon. At bukang bibig pa po nila "ano klaseng kayong kamag-anak" yan po sinasabi nung panganay na anak ng bayaw ng nanay ko. Kami pa po ang lumalabas na masama. Ang gusto po namin kung ano po yung batas at karapatan namin yun po pinaglalaban namin. At kung anu po yung nakalagay sa titulo na sukat yung po ang sundin. Kase po nagbabayad po kami ng amilyar para sa 64sq mtr pero yung lupa na tinitirahan namin ay walang 64sq mtr. Sila naman po nagbabayad para sa 64 sq mtr pero sobra sobra naman po yung lupa nila sa 64 sq mtr.
Sir Thank You po sa pagbabasa po ng aking hinaing. Hihintayin ko po ang inyong kasagutan dito sa aking inilapit na kaso. Maraming maraming salamat po.