-Gusto ko sana ng annulment since 9 years na po kami hiwalay ng asawa ko at mayroon na po sya ibang family ngaun.
-Nagpakasal po kami dito sa Caloocan City Metro Manila nong February 14, 2003.
-Naghiwalay po kami nong 2005 dahil nagkaroon sya ng ibang babae.
-Kapwa po kami pumirma sa CERTIFICATION OF AMICABLE SETTLEMENT OF TRIBAL MARRIAGE SEPARATION.
-Pareho po kami member as Indigenous Cultural Communities belonging to the T'boli tribe.
-May anak po kami isa at pinangakuan nya rin ito ng supporta pero hindi nya ito ginawa kahit minsan.
-May dalawa po syang asawa pero hindi sila kasal at may 6 na po syang anak ngaun.
1. Gusto ko po sana ipa-annul yong kasal namin dahil my mga kunting property po ako na naipundar baka maghabol sya,
malaki na rin po yong anak ko at gusto ko pong isecure yong future nya, ano po dapat kong gawin?
2. Ano po ba yong pwede kong maikaso sa asawa ko para magfile ng annulment?
3. Magiging Valid po ba yong papers na pinanghahawakan ko na hiwalay kami since pareho po kami belong sa Indigenous
kahit kasal kami sa Civil?
4. Maari po ba akong magpakasal uli if maging valid yong pinanghahawakan kong Legal Separation Paper mula sa
National Commission on Indigenous Peoples (NCIP)?
5. Ano-ano po ba yong mga requirements na dapat ko macomply base sa case ko po at gaano po ito katagal?
6. Magkano po yong estimate cost ng annulment fee base po sa case ko?