Hanggang ngayon ay kasama ko pa ang babaeng mahal ko, pero hindi ko sya mapakasalan. May anak na din kaming isa. At naitago ko lahat sa kanya ito hanggang noong Oct 2010 ay nalaman nyang may anak ako sa ex ko, itinanggi ko din na kasal kami. Pero Nung Katapusan ng Marso 2011 ay nagpa-add sa facebook ng babaeng mahal ko ang ex ko gamit ang apelyido ko.
Wala po akong sapat na pera para sa mahal na abogado, pero mahal na mahal ko ang live in partner ko at hindi ko kakayaning mawala sya sa akin. Sya po ang gusto kong makasama habangbuhay. Maaari nyo po ba akong tulungan?
Napag-alaman ko rin po na walang pirma ng solemnizing officer yung MC namin ng ex ko. Yung kasal-kasalan pong iyon ay naganap sa isang town na hindi kami pareho residente at inayos lamang ng aking mommy.
Sana po ay matulungan nyo ako.