Good eve po! Thanks in advance for enlightening my quiry. Ganito po ang case ko. Dalawa lang po kaming magkapatid ng kuya ko. Noong nag-asawa ako, binigyan ako ng parents ko ng permiso na magpatayo na ng bahay sa lupa nila. Sila ang namahala sa pagpapatayo ko ng bahay hanggang sa ito ay matapos at malagyan pa ng bakod dahil ako po ay nasa abroad pa noon. In other words, hinati na ng magulang namin yung lupa dahil nabakuran na nga po. Sa kabila naman nagpatayo narin ng bahay ang kuya ko. Nakapangalan papo sa magulang namin ang titulo ng lupa. Maaring masmalaki siguro ng isang metro ang naging sukat ng lupa ko na pinabakuran ng mga magulang ko mismo. Tumira din po sila sa akin sa bahay din iyon, nakapangalan sa akin ang bahay dahil ako nagpagawa, me authority to construct po ako. Ngayon pong wala na ang mga magulang namin ay ginugulo ako ng kapatid ko at gusto na nyang iapahati ang titulo sa eksatong hati ayon daw sa batas. Ang tanong ko po sana ay mabigyan ninyo ng kasagutan, makatwiran po bang ipabagbag nya yung bakod na mga magulang ko mismo ang naglagay? Kung totoo man nga po dahil hindi ko alam kung tunay na masmalaki ang sukat ng lupa ko,,, wala po bang karapatan ang mga magulang ko noon na ibigay iyon sa akin sa ganung sukat? Pumanaw na po ang mga magulang namin, at hanggang sa kanilang pagpanaw sa akin po sila nakatigil. Salamat po sanay mabigyan nyo ng kasagutan itong gumugulo ngayon sa isip ko. Godbless po.