Sa Credit Card Company po ako nagwork, pero nakahold po final pay ko dahil ayaw pirmahan ng cards collection department dahil sa kelangan daw isettle in full, i'm a minimum amount due payer po kasi..yung pirma na lang nila kailangan ko para maprocess yung clearance at final pay ko na binubuo ng mga araw na pinasok, pro rated 13th month pay at retirement na hinuhulugan mula ng nagsimula ako.i'm sure na mas malaki pa rin yung final pay ko sa balance na yun so i asked baka pwedeng ibawas na lang sa final pay ko yung card balance, wala daw ganung option. hindi ko ko rin alam na idedeactivate nila yung card ko na naging dahilan kaya pati installments ko mabiill in full.
i tried to talk sa hr at sa kanila na baka pwede iless na lang sa final pay, pero wala daw ganun. they will sign it and process the final pay after mabayaran ko muna yung balance ng card.
Nagresign nga ako dahil nagconflict yung bago schedule na binigay nila sa school pero ngayon parang dapat magwork na dahil nasa kanila pera ko tapos gusto pa magbayad muna ako e wala na akong pera kasi nihold na yung sahod ko at stop ako ng work.
Hindi po ba talaga maipipilit sa kanila na iless na lang sa final pay ko yung perang hinihingi nila?
Maraming Salamat Po.