gusto ko po humingi ng advice, its been 9 years na po simula pumunta ako ng abroad at iniwan ang asawa ko at anak. Habang ako nsa abroad, di kami nagkaintindihan ng asawa ko at iniwan ang aking anak at pinutol nya ang aming kominikasyon. Pagkatapos ng limang buwan naalala nya ako hanapin sa facebook at humihingi ng tawad, at antayin nya daw ako umuwi pero hinihingi ko sa kanya bisitahin nya ang anak ko at ibigay sa akin ang contact number nya pero ang sabi nya wala daw contact kasi wala daw syang cellphone. nagwork po sya sa isang companya sa manila bilang engr. Naputol ulit ang aming communication dahil blinock ako at gumamit sya ng profile picture kasama ang babae na nagyayakapan. Pagkalipas ulit ng 3years at laging hiling ng anak ko makita at makausap papa nya sinubukan ko sya hanapin ulit sa facebook alang ala man lang sa anak ko. Hiniling kong tawagan nya ang anak ko pero ni kailan man d nya nagawa. Sa isang facebook account nakilala ko ang kabit nya babae at inamin sa amin pag uusap na sya daw na ngayon ang asawa ng asawa ko at mahigit 4 na taon na daw sila nagsasama..
Ang aking tanong po, ano po ba ang pwd ko ikaso sa kanya? Sana ay makapagbigay po kayo ng advice sa akin.. salamat po!