Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

NEPHEW ABANDONED BY HIS MOTHER, BADLY NEED ADVICE WHAT TO DO

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

janeycica


Arresto Menor

Good day po sa lahat. Ang nephew ko po ay inabandona ng kanyang nanay sa mga magulang ko. Matagal na pong patay ang tatay ng pamangkin ko(my brother). Hindi po sila kasal ng brother ko. Mula ng maipanganak ang nephew ko mga ilang buwan lang inalagaan ng nanay nya at iniwan na sa mga magulang ko ang bata dahil di nya na raw kayang buhayin dahil wala daw po siyang trabaho. Nung una okay lang sa magulang ko pero ng nagigipit na sila, ibinalik nila sa lola ng bata. Makalipas ang ilang linggo lang ibinalik uli sa bahay ng parents ko ang bata dahil wala na daw sila maibibiling gatas mahirap lang din sila. Napilitan ang mama ko na alagaan dahil may trabaho naman po siya. Binisita din naman ng nanay ng bata ang nephew ko sa 1st bday nya at pagkatapos nun wala na hanggang ngayon na 14 yrs old na ang nephew ko.

Sa ngayon po, may trabaho pa rin ang mama ko pero matanda na rin po, 63 yrs old na po, at ang papa ko ay 74 yrs old na din. Sobrang nahihirapan na po sila financially at physically dahil sakitin ang bata. Ang nanay nya nabalitaan naming may sariling pamilya na rin at may 1 anak mga 2 yrs old ata.

Napagkasunduan namin mag anak na ibalik na sa nanay niya ang nephew ko dahil di na kaya ng magulang ko ang mag alaga pa sa kanya. Sakitin din po ang papa ko, kailangan din ng suporta mula sa mama ko pero mas nauuna pang gastusan ng magulang ko ang nephew ko para sa gamot nya dahil may epilepsy. Nahihirapan na po talaga sila. May sariling mga pamilya na rin po kami ng kapatid ko. May mga anak na din.

Hindi namin kayang magdagdag pa ng responsibilidad o akuin pa ang pag aalaga sa nephew ko dahil magastos at buhay pa naman ang nanay nya.

Paano po kaya namin maibabalik sa poder ng nanay nya ang nephew ko ng naaayon sa batas. Baka kasi sabihin lang nya di nya kayang mag dagdag ng anak sa buhay nila ng sariling pamilya nya ngayon dahil kasya lang sa kanila ang kinikita nila at ibalik lang sa magulang ko ang bata o hindi nya talaga tanggapin kahit anong pakiusap namin.

Ang alam lang namin wala siya dito sa samar, nasa metro manila, ni hindi namin alam eksaktong address.

Sana po may mabuting kalooban na tumulong sa problema namin. Nawawalan na po kami ng pag asa. Nais sana naming magkapatid matapos na ang pagsasakripisyo ng mga magulang kong matatanda na rin sa nephew ko. Tutal mula pagkabata hanggang ngayon na 14 na siya nasa mga magulang ko pa rin siya. Para ma enjoy naman sana ng magulang namin ang nalalabing taon nila sa mundo na tapos na sa pagsisilbi ng mga bata, sarili naman nila ang asikasuhin nila. Please help naman po. Maraming salamat po.

AWV

AWV
Reclusion Perpetua

Dalhin nyo sa DSWD! Sila ang makaktulong sa inyo.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum