I know that there are many cases here asking for the assistance regarding unpaid loan and other cases that are mostly related to it. I have the same problem, nagpautang po ako sa assistant vice president namin ng halagang 100 thousand pesos without written contract but with conversations thru text messaging, almost 2 years po siya nagbabayad ng interest lang na per month ( 5% ) pero this year hindi na po siya nagbabayad kahit interest, puro pangako na lang po ang nangyari. Umabot na po sa 135 thousand ang utang nya. Nabasa ko po na pwede mag file ng kaso na small claims ( 1oo thousand only ) or Collection of Sum of money. Alam ko na po yung proseso para sa small claim, ang tanong ko po ay paano po ba ang proseso para sa collection of sum of money and pwede ko po ba gawing ebidensya yung palitan namin ng text messages laban sa kanya, may makukuha din naman po ako witness, yung manager na naging middleman.
Maraming Salamat po, sana'y matulungan nyo kaming mga namomoblema sa ganitong mga kaso.