Hi everyone, im jhude and i really need a help. Wala po kasi akong alam about legal matters at wala din ako mapagtanungan. May brother is in jail, he was on feb last year pa po. Warantless arrest ang nangyari, hndi nakauniform ung kimuha sa knyang mga pulis. Friday nun so we were not able to bail. He was accused of multiple rape and robbery and we have strong evidence na innocent sya. kaya kahit hiningan kami ng mga pulis ng pera para makawala pakawalan sya, nagdwcide kami kumuha ng private lawyer. Hndi po kasi kami nakalapit nun sa PAO kasi wala kami maipakitang complaint affidavit dahil ayaw kami bgyan ng mga pulis. Hanggang sa naiakyat na sa korte ung kaso. Lumapit po kami sa dilg kasi hndi tama ung pagaresto sa kapatid ko the day na inaresto sya naka blindfold sya sa loob ng lockup ng police station pero di din kami pinapansin ng dilg, ganun ata talaga pag walang camera na nakaharap. And nasa bjmp na po sya ngayon. Our lawer attended all the hearings at lahat po ng hearing walang nagappear na complainant. Hndi din po nakikipagcoordinate samin ung lawyer namin lageh sya wala sa office nya and never pa nya nakausap ung kapatid ko and nahingan ng statement regarding sa kaso. Bayad naman po namin sya, and im wondering kung bakit hndi padin nadismiss ung kaso. May dumating pong letter samin, nalaman namin na may another two same cases pero different lugar ng crime na ikinaso ulit sa kapatid ko. We were able to talk with those girls na nagcomplain ng rape and robbery sa kapatid ko, according po sa knla pinapirma lang sila ng mga pulis na nagaresto sa kapatid ko since hndi daw kami nagbigay ng pera na hinihingi nila nung una palang... we assume na dinedelay nila ung pagkakadismiss ng kaso. Please help me, wala po talaga kami ibang malapitan na pde mag advice. Ung atty naman po namin, ngayon nanghihingi ng another acceptance fee para dun sa dalawang kasong isinampa ulit. Ganun po ba talaga un? Klangan pa po ba talaga namin magbayad ng another acceptance fee? More tha a year na po nakakulong ang kapatid ko, wala naman po development sa kaso kasi parang wala din kaming atty panay lang bayad namin. Kapag po ba lumapit kami sa pao, makukuha po ba namin ung acceptance fee na binayad namin sa atty na un? Sobrang laking bagay po ung reply nyo. Thank you and god bless.
Free Legal Advice Philippines