Hi I need advice, I have a daughter Illegitimate child, she is 6 yrs old now. Iniwan ko po sa ama ang custody ng bata nung nag migrate po kami dahil in good terms naman po kami noon. Nakiusap sila na iwan muna sakanila ang bata para makalakihan sila kahit papano and makilala naman sila. pero wala kaming written agreement. Puro promises lang nila, na kapag settled na ko dito and gusto ko na kunin ibibigay naman nila. Nagpakasal ako at nagalit ang side nila pero before pa kami mag migrate hiwalay na kami ng ex-bf ko, nawalan ako ng communication sakanila at sa bata, this 2014 umuwi ako para kunin ang bata sakanila. At hindi sila pumayag ibigay ang bata pero dahil seaman ang tatay lagi lang dn nya iniiwan ang pag papaalaga sa parents at kapatid nya. pero sapilitan kong kinuha ang anak ko kaya dinemanda nila kami ng child abuse, pinamukha nila sakin na sila ang bumuhay sa anak ko and nag pa aral almost 3 yrs na hindi ako nagparamdam. -pero sa kadahilanan na sila naman talaga ang nang away sakin at sa family ko kaya mas pinili namin manahimik muna at kampante naman kami dahil may usapan kami na ibibigay nila.
My questions are
1. mananalo ba sa custody ang side ng tatay dahil 3 yrs sila ang nagsustento sa anak ko
2. pwede po ba kami makasuhan ng child abuse dahil sapilitan kong kinuha ang anak ko sakanila - sa kadahilanan na hindi sila nakuha sa maayos na usapan.
3. may nagawa ba ko para matanggalan ako ng custody sa anak ko
4.nag iwan po ako ng general power of atty. sa nag aalaga sa anak ko, makukuha po ba ito ng tatay at mas may karapatan ba sya habang wala ako sa pilipinas
Sa ngayon nasakin ang bata. pero puro threat ang inaabot namin . ibalik ko daw ung bata sakanila kung ayaw ko daw ng demanda at gulo , sila daw ang may karapatan sa anak ko lalu na andto na ko ulit ngayon sa ibang bansa.