OFW po ako. May asawa at 1 anak.
Nalaman ko po na nagkaroon ako ng anak sa ex-gf ko. NagpaDNA test po kami last March2016 at lumabas na ako yong ama. 3 years old na po yong bata ngayon.
Tanong ko lang po.
1. Pwde po bang ilagay yong pangalan ko sa birth certificate ng bata pero hindi gagamitin yong apelido ko?
2. Kapag hindi po ako pumirma sa birth certificate or ayaw ko pong ilagay yong pangalan ko as father, pwde po ba akong makasohan?
3. May right po bang mag demand yong ex ko kung magkano ang ibibigay ko sa anak ko? Nagbibigay po ako ng 10k monthly.
4. Pwede po ba akong mkasahohan ng child abandonment kasi nong pinanganak yong bata wala ako? (Bago kami naghiwalay alam ko pong buntis siya pero may kinakasama na po pala siyang iba.) Tinatakot po kasi ni ex ang asawa ko na magffile siya ng kaso kapag hindi lakihan yong pinapadala namin.
Salamat po.