Lima po kaming magkakapatid. Sa ngayon, ang nabubuhay na lang po ay ang sunod sa panganay naming babae na single at lalaki na may asawa at dalawang anak.
Ang bahay po namin ay parang compound. Isa yung ancestral home namin na since patay na both parents ay kamig dalawang single ang nakatira at ang kuya ko naman ay sa likod bahay namin ang pamilya niya.
Nagkaroon po ng pagkakataon na ang 7-eleven ay rerentahan ang ancestral home namin na located sa kanto at gagawin nilang convenience store.
There was this history before na ma eelita ang bahay at humingi ng tulong ang parents ko sa hipag ko. Ang sabi nila halos 500,000 plus daw ang naitulong ng hipag ko. Pero parang ang nangyari ay walang kasulatan dahil sa napigilan ito ng kanyang ama na gawin iyon.
Ang kaso nga lang po, hawak naman nila kami sa leeg ng kapatid kong lalaki. Noong una, akala ko mabait ang asawa niya pero nung nagkaroon ng biglang pag akyat ng value ng lupa namin dahil sa 7-eleven. Bigla nakita ko ang tunay niyang ugali. May marital o domestic problem silang mag-asawa dahil may ibang babae ang kapatid ko.
Nagalit siya ng todo nung di ako pumayag sa hatian ng pera na gusto niya isama ang 2 niyang anak sa pera.
Ang sabi ko naman ay dapat under the share of the money na makukuha sa bayad ng 7 eleven ang tulong sa anak niya. The right share is 3 lang ang paghahati kasi 3 kami naka-signed sa extra-judicial.
Doon na siya naghamon since it was too late for us to cancel the contract with 7 eleven.
Ang gusto niya ay divided by 5.
Ang gusto ko divided by four, why? kasi buhay pa ang asawa ng panganay naming lalaki pero never itong nagpakita na sa amin since my brother died at may intriga pa sila na di daw anak ng kuya ko ang anak nito dahil bago mamatay ang panganay naming lalaki ay nagsabi na di daw nito anak.
Kaya sabi ko, magbgay sila ng wirtten agreement na sila bahala sa share sa upa and rights nito at kung sakali maghabol ang asawa wala kaming pananagutan ng kapatid kong babae.
Nagmamatigas ang sister in-law ko at naghahamon ng demandahan.
Feeling niya kasi kanya ang big portion of the land at may malaki siyang role as someone na nagbyad ng pagkaelita ng bahay at nag asikaso ng 7 eleven where in fact. ang 7 eleven mismo ang pumunta sa bahay at naghahanap ng pwesto.\
kaya ako ang binubuntungan niya ng galit niya sa lahat ng pangyayari
Since 1999 , naktira na sila sa dating tinitirhan ng kapatid ko. na enjoy na nila ang dapat di pa nila mamana. Since 2008, kumita na sila sa mga paupahan namin. pero hanggang ngayon they still considered my parents na indebted sa kanila at sinisingil pa rin kami sa sinansabing utang na loob. at obviously may interest pa rin hanggang ngayon dahil sa upang ibabayad sa amin.
Ano po ang pwde ko gawin. Hintayin siya na magdemanda o mag-usap muna po kami.