assistant/secretary po ako ng isang chinese employer. nagbusiness po sya ng food kiosk. 5 po ang crew namin. wala pa pong two months nag-ooperate yung business gusto na pong ipasara yung food kiosk kasi hindi kumikita, mahinang-mahina ang benta. ang first step po ng boss ko magbawas ng tao. pinag-iisipan pa po nya kung itutuloy pa nya ang business o tuluyan na nyang ipapasara. ang tanong ko po ano-ano po ba ang dapat ibayad sa matatanggal na empleyado? at pag tuluyan na pong nagsara ang business, may difference po ba sa marereceive ang mga empleyado sa kadahilanang bankruptcy?
Thanks po in advance sa payo.