May clothing store po ang kaibigan ko, na siya mismo ang nagtayo...then after a few years mas malaki na po ang gastusin sa rent ng mall space at bills sa kuryente kaysa sa income, kaya nagpasya po siya na ibenta na lang yung store kahit palugi. Nung ibinenta nya yung store nya ay halos 95% ay napunta lamang sa mall dahil sa mga monthly rental na nagkapatong-patong kasama ng mga surcharges. In short, palugi na nga yung benta nya ay katiting lang ang napunta sa kanya. Ngayon kabilang sya sa mga unemployed, gipit at naghahanap pa lamang ng trabaho.
Makalipas ang isang buwan, etong si buyer ay gustong i-kansela ang kontrata dahil sa dalawang bagay daw:
1. Difficulty sa paglipat ng business name sa DTI.
2. Non-transferrable daw ang lease sa mall.
Ang punto naman ng kaibigan ko ay:
1. Ipinasa na sa accountant ang mga dokumento para malakad na ang paglilipat ng business name sa DTI. Naiinip lang yung buyer.
2. Ang usapan ni buyer at seller ay magiging change of management lang sa store. Internal transaction na lang ang buyer at seller dahil pag nakialam pa ang mall ay baka gatasan sila ng pera.
Ang mga katanungan ko po:
1) Maari bang ikansela ng buyer ang kontrata dahil sa mga nabanggit nyang dahilan?
2) Gusto man madaliin ay busy yata yung accountant na mag-aayos ng papeles sa DTI,
ano po ba ang process sa paglipat ng business name?
3) Sa pag-kansela ng kontrata ay hinihingi ng buyer ang kabuuang ibinayad nya. Maaari po bang i-consider na renta sa mga gamit ni seller sa panahon na mahigit isang buwan na ginamit ni buyer ang store ni seller?
Maraming salamat po!
Last edited by needAdvice on Thu Oct 14, 2010 11:01 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : changed a question)