Hello po sa inyo. May Boss po kasi ako na tiga USA na gusto nya magbenta ako ng Generic na Viagra dito sa Pilipinas. Pinadala nya yung gamot sa akin. Kaso po wala po akong lisensya para magbenta ng gamot o kung ano mang mga kaukulang papeles para magbenta ng Viagra. Ngayon po ay nagagalit na siya at bakit wala pang nabebenta ng gamot. Ayaw ko naman kasi ibenta talaga yung gamot dahil baka mamaya ay, pulis na pala ung bumibili sa akin eh madisgrasya at makulong pa ako. Gusto ko lang pong malaman kung ano po ang mga kaso na pwde kong makaharap kapag nahuli ako na nagbebenta ng Viagra na wala ako mga kaukulang dokumento para magbenta nito. Gusto ko kasi sabihin ito sa Boss ko sa USA ang magiging sagot po ninyo para ipatigil na nya ung pagpapabenta sakin ng gamot. Maraming salamat po.
Free Legal Advice Philippines