Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

CONTRACT - pagbenta ng negosyo

Go down  Message [Page 1 of 1]

1CONTRACT - pagbenta ng negosyo Empty CONTRACT - pagbenta ng negosyo Thu Oct 14, 2010 10:53 pm

needAdvice


Arresto Menor

Advice naman po sana. Kung may pinirmahan contract yung 2 parties, pwede po ba yung i-cancel kung yung buyer bigla na lang naisipan na i-cancel yung contract? Ganito po kasi ang nangyari:

May clothing store po ang kaibigan ko, na siya mismo ang nagtayo...then after a few years mas malaki na po ang gastusin sa rent ng mall space at bills sa kuryente kaysa sa income, kaya nagpasya po siya na ibenta na lang yung store kahit palugi. Nung ibinenta nya yung store nya ay halos 95% ay napunta lamang sa mall dahil sa mga monthly rental na nagkapatong-patong kasama ng mga surcharges. In short, palugi na nga yung benta nya ay katiting lang ang napunta sa kanya. Ngayon kabilang sya sa mga unemployed, gipit at naghahanap pa lamang ng trabaho.

Makalipas ang isang buwan, etong si buyer ay gustong i-kansela ang kontrata dahil sa dalawang bagay daw:
1. Difficulty sa paglipat ng business name sa DTI.
2. Non-transferrable daw ang lease sa mall.

Ang punto naman ng kaibigan ko ay:
1. Ipinasa na sa accountant ang mga dokumento para malakad na ang paglilipat ng business name sa DTI. Naiinip lang yung buyer.
2. Ang usapan ni buyer at seller ay magiging change of management lang sa store. Internal transaction na lang ang buyer at seller dahil pag nakialam pa ang mall ay baka gatasan sila ng pera.


Ang mga katanungan ko po:
1) Maari bang ikansela ng buyer ang kontrata dahil sa mga nabanggit nyang dahilan?
2) Gusto man madaliin ay busy yata yung accountant na mag-aayos ng papeles sa DTI,
ano po ba ang process sa paglipat ng business name?
3) Ano pa po ang ibang advice nyo?


Maraming salamat po!

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum