eto po ung summary ng case ko
nag file po ako ng resignation last january, nagpasa po ako ng notice about my resignation, kinausap po ako ng suppervisor ko about my resignation, then nakiusap po sya na kung pwede ako mag render ng 2 and a half months para makahanap ng kapalit ko na pinag bigyan ko naman po, then after ng effectivity ng resignation ko the following day nilakad ko po ung clearance ko and other stuffs na dapat ko i settle then lumipas po ung 2 moths wala po akong balita dun sa status ng clearance ko, nag follow up po ako kung bakit po nakahold ung clearance ko then sinabi po sakin ng suppervisor ko na may nawawala daw na documents na pinasa ko na man po, ang nakakapag taka po nawala daw po ung documents na un ng november 2013 pero hindi po ako nainform na may nawawalang documents kahit nung hindi pa ako nakakaalis ng company nalaman ko lang po na may nawawala 2 months after ng resignation ko at nung nag follow up ako ngaun po nakahold ung BIR form 2316 ko, COE and Final pay ko for 3 months and the frustrating part is na cancel po ung contract ko abroad since di ko nakumpleto ung mga documents ko anu po pwede kong gawin thanks.
Hoping for a positive reply
Respectfully yours Anonymous Engineer.