kami po ay kinasal noong June 2001ang edad po nya ay 16yrs old at ako naman po ay 20yrs old binago po ang birth certificate nya imbis na 1984 ginawang 1982 pati po ang lugar kung saan sya pinanganak.,kaya po kami naikasal sa aglipay. nagsama po kami ng halos 10 taon.,at nagkaron ng 1 anak na lalake. noong 2010 nag abroad po sya me trabaho din po ako noon sa pinas.,hanggang dumating ang 2012 napagdesisyunan namin na sumunod ako at magtrabaho na rin sa abroad.,halos 4 na buwan pa lang kami nagsasama d2 sa abroad ng mabalitaan ko na me relasyon pala sila nung tomboy na kasamahan nya sa work.,nag away po kami hanggang sa nauwi sa pakikipaghiwalay nya sa akin at sumama sya sa tomboy.,ngayon po 2 years ang nakalipas wala man lang pong suporta ang nakukuha ng aming anak galing sa kanya ndi naman po ako naghahabol sa suporta nya ang gusto ko lang po maiayos ko ang aming paghihiwalay sa legal na pamamaraan. sa katunayan nga po lahat po ng dokumento nya, ang ginagamit nya ay ang apelido nya mula pa nung pagkadalaga, hindi nya ginamit ang apelyido ko kahit sa passport nya dahil alam nya nga rin na fake ang kasal namin.Ngyon po may nakausap kaming atty at ang sabi po ay magiging annulment na rin ung civil case ko at aabutin ng malaking halaga
Sobrang naguguluhan lang po talaga ako kaya po nag hahanap ako ng ways para po malaman ang tamang process, kung magkano magagastos at ilang taon tatagal
Meron po akong hawak na mga documents na magpapatunay na hindi tama ang age ng napangasawa ko sa marriage contract naming, gaya ng salaysay nya, ID, NBI, at birth certificate nya dahil po ni require yun ng atty dati. lubos po akong umaasa na matulungan nyo ako sa tamang proseso at legal na paraan. maraming salamat po!