Tanong po sana tungkol po sa nabasa ko sa Article 105.
Halimbawa po, sa case po ng isang void/null marriage kung sakaling mapatunayan na walang bisa ang marriage sa ground na bigamy, ano po ba ang mangyayaring hatian sa ari-arian na naipundar na sa kalagitnaan/panahon ng pagsasama po ng magasawang napatunayang may void marriage?
Kung saan po ang nagbayad lang po sa ari-arian ay yung lalaki lamang dahil po walang trabaho si babae mula umpisa at hanggang matapos ang kabuuang bayad sa ari-arian.
Ang resibo po ay nakapangalan sa babae dahil sya po ang humaharap sa pagbabayad pero po ang pinagkukuhanan ng perang pambayad ay ang trabaho ng lalaki. Paano po ang magiging hatian o partehan sa ganito?