Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

MY RIGHTS AS A FATHER

+2
tsi ming choi
necronomecon69
6 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1MY RIGHTS AS A FATHER Empty MY RIGHTS AS A FATHER Fri May 23, 2014 6:55 pm

necronomecon69


Arresto Menor

gusto ko lang po malaman kung ilang percent ba talaga ang dapat ibigay ko sa anak ko for her financial support.Since nagbuntis p yung girl na nadisgrasya ko sinuportahan ko na po til now.dati po is 10k ang ibinibigay ko but since pamilyado na rin po ako 5k nlng po ang naibibigay ko sa anak ko.Ang problema po gusto ko sana nagagamit para sa bata yung ibinibigay kong pera ang problema po kase walang maayos na trbaho yung mother nya and nakadepende lng po skin.Pano po kung mawalan ako ng trabaho?Naaawa po kase ko sa bata pag nkikita ko sya maputla at payat.Nanghihinayang ako dahil matalino sya kaya gusto ko sana mapunta sya sa poder ko dahil hindi maganda ang kalagayan ng bata sa ina nya at gusto kong mapaayos kalagayan nya.Madalas ginagamit pa ng ina nya yung bata na sasabihin na may field trip o may pasok pa para makahingi ng pera pero pag gusto ko naman makita anak ko minsan di nya pinapapunta siguro natatako syang mapalapit smin ng asawa ko at umayaw na sa kanya kaya kung anu anong pagsisinungaling ang itnuturo nya sa bata at paninira sa asawa ko para magalit sa amin at yun ang tumanin sa isip nya.Khit mga magulang ko at pati na rin kming mag asawa ay ini stress nya pag nade delay or mababa sa 5k ang binibigay kong pera na madalas ay pinag aawayan naming mag asawa.Ano po ba ang pinkamagandang gawin ko gusto ko lang naman po mapaayos ang buhay ng anak ko.Thanks and god bless

2MY RIGHTS AS A FATHER Empty Re: MY RIGHTS AS A FATHER Thu May 29, 2014 8:45 am

tsi ming choi


Reclusion Perpetua

Yung Financial support is indeterminate po yun, means walang fix na amount na ibibigay mo, it is dependent sa needs ng bata, so, habang tumatanda yung bata, lumalaki ang ibibigay mo na support BUT depende rin yan sa capability mo na magbigay.

Sa custody naman, kung illegitimate child yan, means, pinanganak yan na hinde kayo kasal ng nanay, ang custody is solely sa mother. For short, hinde mo makuha yan at ilagay mo sa poder mo.

At most, if gusto mo na nasa poder mo, the best way is to adopt that child, but then with the consent sa nanay.

3MY RIGHTS AS A FATHER Empty reply Sat Jun 28, 2014 11:40 pm

necronomecon69


Arresto Menor

pero kahit di po kmi kasal and skin naka apelyido yung bata and walang kakayahan ang ina na mabigyan ng magandang future yung bata dhil walang maayos na trabaho wala pa rin po bang chance namapunta sa poder ko yung anak ko?or kahit na magkaron ako ng karapatan na ilabas ko yung bata kahit ayaw ng ina?maraming salamat po ulit

4MY RIGHTS AS A FATHER Empty Re: MY RIGHTS AS A FATHER Thu Jul 03, 2014 10:15 pm

kheven


Arresto Menor

Magandang Gabi po,...im from Cebu really need some advice about my son.

Ganito po yun:

During my college days may nakilala akong babae,naging girlfriend ko siya naging masaya kami. Nalaman ko na yung "X" nya ay pumupunta pa rin sa bahay nila kahit d na sila(yun ang sabi nang babae).Gusto kasi siya nang mama nya ung lalaki para sa kanya.
Hanggang dumating ang isang araw na may nangyari sa amin(nag sex kami) at patuloy na patuloy na nangyari for about 6 months. Sabihin natin na virgin pa siya malalaman naman ng mga lalaki yun eh.I am his first kahit na sabihin natin na ang X nya ay matagal na sila at parang nakatira na sa kanila.

Isang araw na buntis siya. Di nya sinabi sa akin nalaman ko lang sa facebook account nya.....masamang parte nito ay ng malaman ko sinabi nya na di sa akin yung dinadala nya.....inako ng kanyang X ang pagiging ama, inacknowledge nito sa birth certificate ng bata na sya yung ama ibig sabihin apelyido ng bata ay sa kanya....then 1day binnyagan na ang bata at nag isang taon,1 day dn may sinabi ung dati kong girlfriend about sa bata,then sinabi nya na akin pala ung anak nya na inako ng kanyang X at alam nang ng X nya na d talaga sa kanya yun......naka2sama ko ang anak ko pero minsan lng,alam ng pamilya nya alam din ng lalaki then di sapat sa akin yun na minsan ko lang nakakasama ang anak  ko...
Now, im asking if may karapatan ba ako sa bata as his biological father(wala akong pinanghahawakan na papers) na pwede ko cxa makasama anytime i want at gamitin yung apelyido ko para maging apelyido niya.....may pag asa bang ako ang magiging ama nya sa birth certficate niya at anu yung mga karapatan ko....anu gagawin ko i want my son to be on my side.

Thank you.
(sana maintindihan mo ung sinulat ko magulo kasi)

5MY RIGHTS AS A FATHER Empty Re: MY RIGHTS AS A FATHER Fri Jul 18, 2014 10:41 am

Johnfurious


Arresto Menor

Good morning sir and sa mga attorneys na din dito, ako din kay gusto I share and hingi ng opinion.
Bali may 2 po akong anak, my oldest is 7yrs old and youngest ko is 10months plng, nakilala ko ang asaw ko sa abroad nung yr2007. Napunta ako ng abroad kasi nag hiwalay kmi ng girlfriend ko that time, 6yrs kami gf ko. And nung nag abroad ako mahal ko pa din cya. After 2months nakikilala ko etong naging asawa ko, pangalanan natin syang lorna, magkasama kmi ni lorna sa pinapasukang trabaho sa abroad, 2month or 3months plng kmi nagsasama nabuntis ko cya, that time masasabi ko pang mahal ko pa yung xgirlfriend ko na itatago ko sa pangalan aida, etong c lorna? Yung naging asawa ko mabait naman cya, pero sabi ng nga kaibigan ko na mahal mo pa din si aida bakit ndi daw ako naka tiis? At that time kasalanan ko naging mapusok ako at naging tatay ako ng wala sa oras, mahal na mahal ko ang anak namin, minahal ko na din si lorna nang lumabas ang anak namin, at nasundan pa eto ng isa nung 2013, at 10months na cya ngaun.

Dito na nagbago ang storya ko, nagpakasal ako kay lorna dahil sa rason para mabinyagan ang bata at mabigyan ng apelyido ko, aaminin kong nagaalangan akong magpakasal kasi pnilit ko cyang mahalin. Nakasal kasi sa isang civil.

Sumusweldo ako ng malaki mga 3yrs ago, nka bili kmi kotse,at wala munang bahay, habang kasal kmi nkatira ako sa asawa ko sa probinsya,maayos pakikisama ko sa kanya hangang may npapansin akong ndi magandang ugali, every month may allowance cyang 30 to 35k a month sa 2 anak namin, at may time na na o over spend nya minsan lumalagpas ng 10k pa, bali 45k minsan dahil sa pagkain nila araw araw at gatas ng bata. Lagi ko cyang pinagssbihan magtipid kasi patapos na contrata ko, hangang sa huling buwan ng trabho ko, sbi ko mag save ka naman, nhihirapan daw cya ibaba ang expenses at hangang 30k lang kaya nya at wala pang naiiwan dun every month. Hangang mag bday anak namin sa nkaraang buwN at gumastos ulit cya ng 40-50k , sa rason ko nahihiya sya kpag kaunti ang handa,parang gusto nya I pag malaki na malaki ang sahod namin na kina galit ko tlg. At napuno ako sinabi kong maghiwalay muna tayo. Isa sa nga rason eto kaya nko pag hiwalay ako sa kanya. 2nd reason ko is yung side ng family ko hindi close sa asawa ko, nagtatanim ng galit etong asawa ko , ilang beses din kmi nag aaway. At pinag aawayan namin ung budget, siya pa ang gakit at mahal daw ang bilihin ndi nya kaya mag baba ng budget.

Naghiwalay kmi, nung time na naghiwalay kmi may nkilala akong babae, sya si fe, kay fe lahat ng sumbong ko at kinuwento ko ang buhay at pghiiwalay ko, hindi ako naging 2 timer sa asawa kong lorna habang kami. Nkilala ko si fe kasi sobrang pagod nko sa trabho at ang naiwang ipon sa trabho ko sa abroad ay kotse lamang.
Naging kmi ni fe. Naging maayos ang takbo ng pagmamhalan namin at tuloy tuloy ang sustento ko sa 2 anak ko. Nalaman ni lorna na may kabit ako, at nalaman din nya cel number kaya tinadtad nya ngvtext si fe at nagyayabang na sya ang legal wife.
Eto ang problema, ayaw ipakita sakin ng asawa kong si lorna ang 2 anak nmin kahit tuloy ang sustento ko,makikita ko lang daw sila kpag binalikan ko sila.

2buwan ko nang hindi nakikita at nkakausap sa cp ang mga anak ko at Pinagdadamutan nya ito, pwede ba ako magsampa ng kaso laban sa kanya? Kasi ayaw nya ako bigyan chance mkausap ang anak namin, may ebidencya naman ako sa sms ko na nasabi nya na hindi ko makikita mga anak ko hangang hindi ka bumabalik sa amin. Nawala na ang pagmamahal ko kay lorna at inis na inis nko sa ugali nya.

Mahal ko si fe at gusto naming magpakasal balang araw,pwede bko mag file ng annulment pati? Anyway impt ngayu makita ko mga anak ko,susunud na annulment.
Salamat po.

6MY RIGHTS AS A FATHER Empty Re: MY RIGHTS AS A FATHER Sun Jul 20, 2014 12:18 am

attyesc

attyesc
Reclusion Temporal

Spouses have joint parental authority over their children. Hindi pwedeng ideny sayo ng asawa mo ang right mo na makausap ang iyong mga anak. File a petition for custody. Medyo long shot nga lang ito dahil ang batas natin ay may maternal preference. Hindi pwedeng ihiwalay sa ina ang mga anak na below 7 years old. Anyway kung madeny man ang petition mo for custody, im sure bibigyan ka naman ng court ng visitation rights. For now, ituloy mo lang ang pagsuporta sa kanila para di ka makasuhan ng economic abuse under Ra 9262.

Sa annulment naman, ang pwede mo lang gamitin na ground ay psychological incapacity. Kailangan mong patunayan na ikaw o ang asawa mo ay psychologically incapacitated to comply with your marital obligations.

7MY RIGHTS AS A FATHER Empty Re: MY RIGHTS AS A FATHER Sun Jul 20, 2014 1:42 am

Johnfurious


Arresto Menor

Tnx atty. Sa ngaun visitation rights tlg ang habol ko sa anak ko,Salamat ulit.

Puede ba ako mgsampa ng annulment khit sinabihan ako ng asawa sa papel na hindi niya ako bibigyan ng annulment, ipaglalaban daw ni lorna ang pagmamahal nya skin pero hindi ko na tlg cya mahal at pinili kong sumaya ako ksama c fe.
Pwede pba ako mg file ng annulment at aaminin ko ako ung psychological incapacity pra ma annul? Pwede ko ba isisi sya, si lorna na naging incapacity ako dahil sa pinakita nya skin? Kasi kpg cya sinabihan ko sa court na incapacity lalaban at tiyak baka manalo cya baliwala file ko?

Gustong gusto ko na ma-annul kmi kaya lng ayaw nya bumitaw. May ibng paraan kaya ako?

8MY RIGHTS AS A FATHER Empty Re: MY RIGHTS AS A FATHER Sun Jul 20, 2014 6:49 am

attyesc

attyesc
Reclusion Temporal

Hindi kailangan ng consent ng asawa mo para makapagfile ka ng annulment.

Bago masabi na psychologically incapacitated ang isang tao for purposes of annulment, kailangan muna syang masuri ng isang psychiatrist o psychologist. Pero kung ayaw magpasuri ng asawa mo, pwede kang kumuha ng mga witnesses who will testify on her attitude or behavior. Pwede rin naman na ikaw ang magpasuri kung ikaw ang psychologically incapacitated.

9MY RIGHTS AS A FATHER Empty Re: MY RIGHTS AS A FATHER Sun Jul 20, 2014 1:35 pm

Johnfurious


Arresto Menor

Thanks atty.
May idea po ba kayo if aaminin ko ako ung psychological incapacity, ano kayang grounds ibibigay sa kin ng kabilang judge? May posibilidad bang hindi ma accept yung annulment ko if ayaw tlg ako pakawalan ng unang asawa?

May mairerefer po ba kaung abogado pra skin. Paguwi ko gusto ko na patakbuhin annulment case ko?
Salamat.

10MY RIGHTS AS A FATHER Empty Re: MY RIGHTS AS A FATHER Sun Jul 20, 2014 1:47 pm

attyesc

attyesc
Reclusion Temporal

For ethical reasons, hindi ako magrerefer ng abogado.

Wala sa kamay ng asawa mo kung maga-grant ang annulment nyo. Nasa judge yan depende sa weight ng ebidensya mo. Nasa diagnosis din yan ng psychiatrist kung talagang may psychological incapacity ka. Sa petition mo for annulment, pwede ka rin maghain ng mosyon para sa custody ng mga bata. Doon ibibigay ng korte ang visitation rights mo.

11MY RIGHTS AS A FATHER Empty Re: MY RIGHTS AS A FATHER Sun Jul 20, 2014 2:55 pm

Johnfurious


Arresto Menor

Okay atty. Thank you so much.

12MY RIGHTS AS A FATHER Empty My rights as father Sun Jul 30, 2017 8:20 pm

Ton Martinez


Arresto Menor

Hello dearest Attorney
Gusto ko po humingi ng advise about sa anak ko po. Meron po akong anak na babae 1 year old nakapangalan mo sa apelyido ko. Hindi po ako kasal sa kanyang nanay. Ngayon po ako lang po ang hands on sa anak namin mula ng pinanganak sya. Taga ligo taga padede pakaen at patulog. Wala pong trabaho ang nanay nya. Ako lang po ang bumubuhay sa amin. Wala rin po sila bahay. Ngayon po. Madalas binubugbog pa po ako ng nanay nya ng walang dahilan dahil sa mainit po palagi ang ulo nya sa akin. Pero hinayaan ko na lang po. Until lumipat po kami sa bahay ko dito sa cavite. Ganun pa din po ako po ang hands on sa bata linis ng bahay pakaen padede ligo at alaga. Sa bahay din po nauuwi ko ang trabaho ko. Ngayon po isang araw nag talo kami at nagpasya ang kanyang nanay na iwan po kami. Palagi po syang ganun sa twing mag aaway kami lumalayas po sy palagi. Ngayon po bumalik sya para kunin ang bata pero hindi ko po ibingay dahil una wala po syang trabaho, walang bahay at tanging sa kapatid lang nya sya tumitigil sa nirerentahan na apartment. Hindi din po kasi sya hands on sa anak namin. Papaano po ba ito? Ang bata po ay lumalaki ng makatatay. May way po ba para sa akin na ang bata dahil wala pong kakayahan ang nanay nya na mag alaga at bumuhay. Paano po ito? May laban po ba ako ngayon kinukuha nya sa akin ang bata?

Kailangan ko po ng advise nyo. Marami pong salamat

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum