Ang asawa po ng aking kapatid ay confirmadong tomboy at may GF, doon sya lumaki sa kanyang mga pinsan at tita na kanyang itinuring na nanay-nanayan, itinakwil den sya ng kanyang mga tunay na magulang dahil sa katigasan ng kanyang ulo at sa pag pili at pag kilala lamang sa kanyang mga tita na kanyang kamag anak. Sya ay 31 years old na den.
Ano po ang nararapat namin gawin para magkaron kame ng karapatan sa bata? or kung maari ay makuha namin ang bata? May trabaho po ang aking kapatid sa call center at sa tingin ko po naman ay kaya nya buhayin ang anak nya. Yung babae po ay may trabaho den, iniiwan lang nya araw araw ang kanyang anak dun sa kanyang nanay-nanayan para ipalaga at lagi naman nandun sa kanyang kasintahan na babae. Sana po ay mapayuhan mo po kami ng tama at naayon sa batas na mga hakbang para sa kustodiya ng bata, Umiiwas po kame sa gulo dahil lahat po ng sabihin sa babae ng kanyang nanay-nanayan at mga pinsan ay kanyang sinusunod. Meron po ba silang karapatan mag bawal or mag utos eh hinde naman po sila ang immediate family member ng babae?
Sana po ay matulungan nyo kame sa aming tamang dapat gawin. Maraming salamat po sa inyong mga tulong na advises.