I'm still employed in the same company till now but I already submitted my letter of resignation effective June 30, 2014. May existing CBA po in our company at nakasaad po dun na entitled po ang regular employees for separation pay kahit voluntary ang resignation. In my case, entitled na po ako dapat for 100% of 1 month salary per year x the # of years from date HIRED. Nakasaad po kasi sa CBA na pag 10yrs of service 75% of the monthly salary per year ang computation at pag 15 years naman = 100%. Kaso ang sabi ng HR namin at yun ang practice nila noon pa na ang basis ng computation nila is not the # of years in service but from the date of regularship. So lumalabas po na hindi pa ako aabot ng 15 years if ang basis nila is from date of regularship.
May laban po ba ako kung sakali na magreklamo ako sa labor sakaling 75% lang ang ibigay nilang computation sa separation pay ko? Malaki po kasi ang difference at sayang naman po dahil pinaghirapan ko po yun ng maraming taon. Ano po ang kelangan kung gawing paghahanda kung sakali? Thank you so much!