Gusto ko lang po magtanong tungkol sa legal implications ng pagiging positive sa polygraph test, nung nakaraang december po kasi nagkaroon ng nakawan dito sa building na hinahawakan ko, ako po ay building engineer sa building na ito at meron akong anim na technician, lahat po kami ay naka-schedule mag polygraph test, ung isa sa mga suspect ay hindi sumipot kahit na paulit ulit pa ang pagbibigay sa kanya ng pagkakataon, ako naman po ay unag beses nag-undego ng ganitong procedures at ako po ay talagang kabado at ako rin po ay puyat dahil ang misis ko po ay lagpas palang ng isang buwan ng manganak. ako po ay lubos na nalungkot ng malaman ko na ako ay positibo sa polygraph at lalo na ng mabasa ko na ako ang report, ako daw po ay nagsisinungaling sa aking sinabi, nais ko lamang po itanong kung ano ang mangyayari sa akin? ano po ba ba ang implikasyon nito sa kaso? marami pong salamat