Gusto ko po sanang ihingi ang tulong ninyo tungkol sa kaso ni Ricardo Velasquez, 47 years old taga San Mateo Rizal pero taga Candaba Pampanga po ang mga kamag-anak nya.
Nun po kasi nakaraang Biyernes Santo may bumaril po sa kanya. Narito po ang kanyang salaysay para po sa inyong kaalaman. Ito po ay nangyari sa probinsya nila sa Bulacan. Malakas po ang kaso kasi siya ang binaril, lasing yung bumaril mejo napikon sa paglalaro nila ng Cards sa isang lamay nung Biyernes santo at nung pauwi na po siya inabangan siya para barilin.
Good to learn na sa paa lang po siya tinamaan pero nilapitan pa po siya kaya intention nya na patayin si 69-171 pero nagpatay patayan na lang po siya kaya umalis na yung salarin.
Dahil wala naman po kaming lawyer sabi po ng nanay nya makipagareglo na lang. Hndi po makakilos si 69-171 dahil hndi pa siya makalakad. Nais ko po sanang humingi ng tulong sa inyo baka po may pwede kayong i-refer sa amin na makatulong sa kanya.
Sa tingin nyo po kailangan o dapat pa po ba niyang ilaban ang kaso nya? O pabayaan na lang po niya. Sa ngayon po nakakulong na yung tao pero yung bail ng nakabaril binabaan nila ang amount dahil hndi na po pinagpagfile ng kaso si Eric. Ang nagfile lang po yung kapatid niyang lalaki na nasa Bulacan that time. Siya po kasi ang kasama niya sa burol pero nung time na binaril siya nagiisa lang po si Eric na umuwi wala po dun ang kapatid niya pero madami din naman po nakakitang mga tao.
Pati po yung mga pulis na dumating pinaputukan din ng salarin. Nais po ng nanay ni Eric na makipagareglo para wala na silang problema. Hndi po kasi makakilos si Eric dahil hndi siya makalakad ngayon. Hihingi lang po sana kami ng payo at kung maari assistance baka po meron kayong kakilala na pwedeng makapagbigay ng advise sa amin o pwedeng tumayong bilang lawyer niya.
Inaasahan ko po ang inyong sagot dito. Sana po ay matulungan ninyo kami.
Maraming salamat po. God bless po.
Umaasa,
Honeylet Lodripas
(kaibigan ni Ricardo)