Good afternoon po. Kailangan ko po ng legal advice. Isa po akong tourism student, di ko po alam yung sunod na step na gagawin. Kasi po yung boyfriend ko po kinasuhan siya ng frustrated murder at direct assault nung November 17, 2014. Nakasaksak po siya ng tanod. Pero daplis lang naman po, hindi po siya malalim. Kinausap ko na po yung complainant para makipag areglo kaso gusto niya po madala muna yung boyfriend ko. 23k daw po yung piyansa ng boyfriend ko. May nakausap na din po akong piyansadora. Hinihingian po kami ng 10k tapos siya na po bahala magpababa non. Ask ko lang po kung 23k po ba talaga ang bail sa dalawang kaso na nabanggit? At paano po pag halimbawa na napiyansahan na siya tapos napapayag ko po yung complainant na iurong ang kaso? Mauurong po ba agad agad yon or may process pa po? Saka if ever po na di mapiyansahan ang boyfriend ko, ilang years po ang sentence non? Thank you po! Kung pwede din po mag suggest kayo ng mas ikakagaan sa kaso. Thank you po ulit.