Gusto ko po sanang iconsult ang validity ng marriage ng friend ko. Ito po ang case:
Kasal po ang bf niya sa Pilipinas at may isang anak. Nagpunta ng Dubai ang lalaki upang magwork. Kinuha niya na din ang wife niya at daughter niya under his residence visa ng Dubai. pero after couple of years, bumalik ng Pilipinas ang wife at daughter upang mag-aral. Naiwan ang lalaki sa Dubai.
Nagconvert ang lalaki sa Islam. After more than 1 year, pinakasalan niya sa Dubai court ang friend ko (pilipina, single at Catholic).
Ang question ko po, valid po ba sa atin ang naganap na wedding nila sa Dubai court? Hindi pa po annulled ang first marriage ng lalaki sa first wife niya.
Plan po nila na iparegister sa Philippine Embassy ang Marriage Certificate nila from Dubai Court pero not sure kung allowed ito.
Sana po masagot ang aking query na ito. Marami pong salamat.
Banins