May ibinenta po sa amin na lupa nong June 2008.Ang lupa ay nakasaad sa 2 magkahiwalay na titulo. Ang titulo ay nakapangalan sa yumaong nanay ng magkakapatid na siyang nagbenta sa amin.
Ang Titulo po pala ay nakasanla sa kooperatiba d2 sa aming lugar.Tinubos na po nila ang titulo matapos maibenta sa amin. Ang problema po ay isa lang ang nirelease na titulo, ang isa po ay hinold ng kooperatiba sa dahilang ang asawa daw po ng isa sa mga magkakapatid ay guarantor sa isang loan din sa kooperatiba na hindi pa nababayaran.
Ang tanong ko po ay ito:
1. May karapatan po ba ang kooperatiba na ihold ang isang titulo? Gayong ang sabi po ay hindi naman ginamit ang titulo na yun as collateral dun sa loan kung saan guarantor ang asawa ng isa sa mga magkakapatid na nagbenta sa amin?
2. Anu po ang mabilis na paraan para makuha na namin ang titulo? Sino ang dapat at anu ang dapat naming ihain na reklamo?
Maraming salamat.