hinbge lang po ako ng advice kung anu ang dapat naming gawing mga magkakapatid. ang storya po ay ganito, nuong nabubuhay pa mga parents namin nag apply sila ng lupa sa NHA, kaso lang hindi sila na aprobahan kasi may inaaplayan ang papa ko ng ibang lupa sa subdv. para hindi masayang ang pag apply niya sa NHA isinali niya ang pangalan ng nakakatanda naming kapatid sa raffle ng NHA tungkol sa lupa. so nabunot po yung pangalang ng kapatid ko na during that time ay isa pa siyang studyante, kaya ang parents namin ang nagbabayad sa bayarin ng lupa sa NHA, ngayun po ng mamatay na mga magulang namin napag asaw na din kaming mga magkakapatid dito na kami naninirahan sa NHA tapos nakikitira na din ang nakakatanda naming kapatid, ngayon gusto na ng angkinin ng nakakatanda naming kapaitd ang lupa at bahay kasi sa kanya daw,kinasuhan pa kaming ng mga kapatid ko ng ejectment, kaso po ang original na titulo ay nasa akin po may laban po ba kami na patunayan namin na hindi siya ang bumili sa lupa na to ipinangalan lang sa knakakatanda naming kapatid.at anu po ba ang habol naming anim na magkakapatid samantalang hawak naman namin ang original na titulo ng lupa.