I'm working in a Call Center. Inbound Sales. Tatawag samin mga customers from US para bumili ng PC, electronics and parts ng PC. Almost 4 years na ako sa company.
Almost 100+ agents kami before. Around January 2014, 80% ng agents nilipat sa ibang account (mga below/weak performers). The rest, mga Top Performers, naiwan sa account. February, 26 agents na lang kami, at nakarating sa amin na pa-close na daw ang account namin, hanggang May na lang daw. 1st week of March, 10 out of 26 agents, nilipat ulit sa ibang account. Top 16 ang naiwan. 2nd week of March, biglang pinatawag ang Top 6 (kasama na ako dun) and they're accusing us for a possible fraud dahil daw consistent na mataas metrics namin.
This is the issue: 2nd week of March, pinatawag ang Top 6 at binigyan kami ng IR/Incident Report and DPF/Due Process Form for Fraud.
Sa trabaho namin, required kami na kunin ang email address ng mga customers para i-sign up sila sa Benefits Program at bigyan sila ng quotation email, whether SALE or NONSALE (nasa spiel namin yun). Sa spiel namin, sinsasabi namin sa customer ang reason bakit namin kukunin emails nila - para i-sign up sila at bigyan sila ng quotation email.
Meron kaming isang tool na kung tawagin "Sales Rep Tagging Tool" na kung saan i-eenter mo mga email ng customers mo, para kahit bumili sila ONLINE eh sayo ma-ta-tag yung Sale. WALA SA SPIEL namin na binigay ng QA Staff na kailangan banggitin pa yung pag-tag ng email nila sa Rep ID namin.
2nd week of March, binigyan kaming mga Top 6 ng IR and DPF for possible fraud. Dahil daw madaming pumapasok sa amin na benta ONLINE. (Syempre, may Sales Rep Tagging Tool na ni-introduce samin eh so possible talaga na dadami ONLINE SALES namin, lalo na ako, dahil 4 years na ako sa company, ibig sabihin madami na ako naging customers at nakausap na customer). Along with IR and DPF, attached is the list of INVALID SALES "DAW" dahil "ONLINE SALES" na hindi ko daw mga nakausap... parang Duh!, kung hindi ko nakausap mga customer ko na mga yun, san ko naman kukunin mga emails ng customers ko (Common sense, di ba?).
Pagka-abot sakin ng OM/Operations Manager ng IR/DPF, yung tono ng pananalita niya, parang pinalalabas na guilty of fraud ako.
Here's our conversation after pagka-abot ng IR/DPF:
OM: Bat mo pa kasi pina-abot sa ganito? Na mahuli ka?
Me: Huh?!?! Anong ibig niyo sabihin? EH wala naman ako ginagawang mali?
OM: Panu mo i-e-explain eto?
Me: Boss, possible talaga na dumami Online Sales ko dahil 4 years na ako d2, madami-dami na din ako naging customers. And of course, with the help of Sales Rep Tagging Tool. Sale man or hindi, kinukuha ko i-email nila para ma-sign up ko sila sa Benefit Program at mabigyan ng quotation. After nun, tina-tag ko email nila sakin para pag bumili sila online, sakin yung benta.
OM: Did you ask their permission na ita-tag mo sila?
Me: Huh?!?!? kailangan pa ba sabihin yun? Eh according sa QA at sa spiels namin, yung pag-sign up lang sa Benefits Programs at yung quotation email lang sasabihin namin. Sa tagal ko d2 sa company na to, kahit TC o management o QA na araw-araw nag-aaudit ng calls, na kailangan pa i-hingi ang permission ng customers na ita-tag mo sila sa Rep ID mo... Bago yan ah. Ngayon lang nagkaroon ng restrictions, agad-agad, ang Sales Rep Tagging..
AT hindi na naka-sagot ang OM.
Ang problema po, malakas ang balita sa office na kaya daw kami binibigyan ng issue dahil wala na sila ma-reason bat kami aalisin sa company namin since pa-close na ang account. Ang concern ko lang naman eh, sana kausapin na lang kami ng maayos para umalis kami or lumipat sa ibang account, at hindi yung gagawa sila ng issue na ikakasira pa ng pangalan namin. Mahirap mag-apply sa ibang company kapag Fraud ang issue. At ang masakit dun, yung mga below/weak performers, nilipat sa safe/secured na account, samantalang kaming mga Top Performers eh wala ng plans ang OM para samin, at basta-basta na lang kami aalisin.
Malaki ang possibility na kaya kaming baliktarin ng OM/Management, kaya nilang idiin kami sa Fraud kahit HINDI KAMI GUILTY. Madami na akong na-witness na ganun sa company namin. Walang Justice.
Next week po hearing namin. Paano po kung idiin nila ako kahit pinatunayan ko na hindi ako guilty? Pwede ba ako mag-counter demanda? Ano po procedures?
Hindi ako guilty sa Fraud. Bread Winner ako ng pamilya ko at hinding-hindi ako gagawa ng isang bagay na alam kong ikakawala ng trabaho ko.
Tulungan niyo po ako. Kailangan ko trabaho ko, ako lang inaasahan ng pamilya ko.