kasama po ang 1 kaibigan, nagpa lending po kami. just last year po ay may ng-invest sa akin at an interest rate of 8% per month. Dahil po mataas ang interest rate nila ay hindi ko po ito ininvest sa lending. dun ko po ito pinasok sa business ng asawa. Hindi po nila alam na dun ko po ginamit ang investment nila. akala nila eh nirelease ko sa lending. nalugi po ang negosyo ng asawa at tuluyang ngsara nung june. siyempre po ay nakasama dun ung investment ng mga kaibigan ko. as result po sa pgclose ng business, hindi ko na po nabayaran monthly ang interest nila. nagalit po cla at ngbalak na magdemanda. hinahanap po nila kung sino po ang clients ko sa lending para cla nlng daw po ang mangolekta. wala po akong maipakita kc po hindi naman dun nagamit ang pera. malaking halaga po ang na invest nila sa akin. ito po ang tanung ko:
1. anu po kaya ang pwdeng makasu nila sa akin?
2. ang transaction po ba namin ay matatawag na fraud? halos 1 taon din po ako ngbayad sa interest at wala namn pong naging problema hanggang sa mgsara ung business.
ung 1 ko pong investor ay isang Senior Police Inspector. nung tinawagan nia asawa ko ngbanta po cia na kung di namin mabalik ang pera nila ay sisingilin nia kami ng buhay. sana po ay maliwanagan ako.