Company type: Private-company
Gusto ko lang po ng clarification regarding sa computation ng correct monthly salary po.
Pasok po kasi naming ay Monday to Saturday po. Payroll naming ay Semi-monthly.
So kunwari ang monthly salary ko ay 25,000.00 para macompute ko ang daily rate ko, ay
25000 divided by 26 = 961.53 ( daily rate)
or
25000 divided by 2 = 12,500(percutoff)
12500 (percutoff) divided by 13 days( working days Sat included) = 961.53.
Now, ang gusto po ng may-ari ng company ay gsto nya computation instead na 26 days ang computation eh 30 days.
--
So If 30days, 25000 divided by 30 = 833.33 (daily rate). So parang nangyayari eh, sumasahod na lang ako ng 10,833.29 and para mabuo ang 12,500 need ko pa pumasok ng Sunday? Eh Sunday po wala naman kami pasok.
Sino po ba ang tama at mali samin po?