Sir Raymond Magdaluyo- Owner
Chef Peter Ayson - Owner, Executive chef
Chef Kim Maria Castillo- unang consultant (over all)
Chef Nathaniel Manuel (neil) - pangalawang consultant na pumalit kay chef kim
Sir Eduard Salindong- pangalawang Lead Restaurant Manager
Sir Marc Bautista- Dining Supervisor
Marivic Verana- Team leader (after Sir Marc's Resignation, siya ang pumalit)
John Roger "Jay" Castro- Purchaser
Kristel "tel" Gilera- Kitchen Manager
Octavio "Octi"- Head Chef
Mark bayola- payroll officer
Maam Sarah Estacio- Hr. manager
Kim Ina "Kimbo" Endaya- Hugot sa ibang store na tumatayo bilang kapalit ko
Maam Cristina Barbado "tina"- Head ng accounting (siya nag aapprove nang lahat ng cash pullout for suppliers, salary and service charge, maintenance)
Maam Alphine Bayocot- Hr Manager
Sir Enrico Barandoc- Hr Director
Ms. Carmelia Bernabe "Carmi"- Auditor
november 8, 2013
tinawagan po ako ni chef kim nuon para magtrabaho bilang isang kitchen manager, at tinanggap ko ho ito, pero sinabe ko pa rin po na kelangan ko ng training para mas magampanan ko trabaho as kitchen manager.
november 15, 2013
nagsimula po ako nung bilang isang kitchen manager. ang nag hire po sakin yung consultant ng restaurant na si chef kim at yung executive chef na si chef pete.
since nung nag simula po ako sa restaurant na ito, wala po akong contract up to present.
november 15,2013
first day ko sa work, lage ko hong finafollow up yung contract ko at ang sabe lang sakin ng h.r, pupunta sila, pero hindi naman po ito natutuloy. sa tuwing nag pupunta ako sa h.r namin, sinasabe nila na wala daw kasing pipirma,o hindi pa nagagawa, o hindi maasikaso. pero tuloy tuloy pa din po ang pag follow up ko. hanggng sa nag resign na si chef kim.
nuong december 19, 2013
nag resign na po si chef kim. at nung nag resign ho si chef kim as our over all manager, sakin napo naiwan uli yung trabaho niya. katulad ng payroll, service charge, pag fafollow up sa h.r ng mga contract ng mga iba pa hong staff pati ng contract ko, pag follow up ng cheke ng mga supplier kay maam tina (head ng accounting department)
Nung araw din na nag resign si chef kim, pinag usapan namin kung sino na mag pepayroll, at sabe ni sir eduard ako ang pinaka mataas sa kitchen kaya ako daw ang gagawa. sabe ko 'sir, di ba dapat cashier and manager gumagawa non?" sabe niya "wala namang binigay na designated person na gumawa non na kahera. chaka ayoko mag hawak ng pera." wala akong naisagot dahil under pa rin ako ni sir eduard kundi ang sumunod na lamang sa utos nila.
Simula nung December 20, 2013, January 5, 2014, January 20, 2014, February 5, 2014 ako po ang nag pasweldo.
January 10, 2014
dumating si chef neil, yung bagong consultant at sinabeng, mag lalagay daw siya ng sistema, dahil wala daw hong sistema. tinambakan niya ako ng trabaho. pag gawa ng inventory forms, order forms, parstock. natapos ko naman ho ito.
February 5, 2014
Tumawag ako kay Maam Tina, para makiusap na kung pwede na mag pa sweldo ako kahit tig 1000pesos to 1500pesos dahil ang laman ng mga wallet namin 20pesos and 50pesos nalang, dahil din hindi pa lumalabas ang cash breakdown ng sweldo namin na mang gagaling sa h.r., pumayag siya at nagpasalamat ako.
Nagsimula nako mag papayroll nung February 5, 2014. pero bago ito makumpleto inabot ito ng tatlong araw dahil cash pull out at wala kaming pera sa kaha dahil cod ang supplier at kelangan namin mag pullout para sa petty cash fund namin ng 15k.
Feb6, 2014
pumunta po ako ng head office para kunin yung payroll summary namin. nag antay ako mula 1pm to 3.30pm para makuha ito. Habang nandon po ako, pinakita nila (mark bayola and sarah estacio) sakin na yung breakdown ng salary ng liberty na nasa computer pa. walang time in and out ni sir marc and sir eduard sa computer at ibinwas ito sa total pay nila para sa cut off ng january 16-31,2014. tapos pinadala na nila sakin yung pull out form after maapprove ni maam tina. at bumalik nko sa store.
pag kadating ko sa store, pinakita ko kay sir eduard and sir marc yung pull out form at nagulat sila. dahil nga bawas ang mga araw na ipinasok nila. tinawagan ni sir eduard si si mark bayola. at nag usap sila. nag tanong si sir eduard kung bakit bawas sila nung time na yun e yun, yung kasagsagan ng kris tv namin. 2 weeks din silang (sir marc and sir ed) walang restday nuon. at naalala kong pumasok sila talaga non dahil yun ang naging usapan nila ni sir marc and sir eduard sa harap ko. habang nag uusap sir eduard and mark bayola, lumabas nako.
February 7 or 8, 2014
Naabutan ko na nag uusap si Sir Marc and Maam Tina sa labas ng store about sir marc's salary. dahil nung cut off ng january 16-31, 2014 nawalan siya ng 7days dahil no time in and out yung time card niya. Habang mag kausap si Maam Tina and Sir Marc, sinabe sakin ni sir marc na "chef tel, tinatanong ako ni maam tina kung gusto ko daw buoin yung sahod ko." sabe ko "pwede ba yun?" sabe ni maam tina "oo naman." tas umalis nako dun sa conversation nila. dahil may rnd kami nung araw na yun para kay chef pete, maam sarah, sir leo, maam tina, maam aixa.
February 8 or 9, 2014
Last day ni Sir Marc. Lahat ng work niya inendorse na niya kay marivic verana, kristel gilera, sir eduard and jay castro.
Feb 9 or 10, 2014
Lumapit sakin si mavic at sinabeng "chef over tayo sa cash pull out ng payroll." sabe ko "pano nanyare yun? ganto, add mo lahat per person, tas tignan natin kung kanino tayo nag over." after ilang minutes. sabe ni mavic "chef kay sir marc. over tayo ng 5999.73." sabe ko. "bakit 5999.73?" sabe ni mavic "may advance na 4500 sa logbook." sabe ko " bakit ang gulo? ganto nalang, antayin natin si ms carmi at tanungin natin pano gagawen."
Feb 11-12, 2014
Dumating si maam carmi. yung auditor namin. at tinanong ako kung bakit nag over ako sa pag pull out. sinabe ko "oo nga maam, ano po ba pwedeng gawin doon?" kasi usually, pag may salary over dinededuct sa next cut off, or if resigned, at may service charge and backpay na naiwan, pede nila ibawas dun at kung ano ang balance, sa manager and cashier, supervisor ibabawas, pero sa lagay nung pangyayare sakin lang at wala ng iba pa. sabe ko "maam, tutal ako naman ho ang nag payroll, sakin ho ibabawas yun diba?" sabe niya "malamang." sabe ko "sige maam, kung sakin ho ibabawas, okay lang po. ako naman may kasalan ng over." sabe niya "di naman kasi ganon kadali yun. gagawan pa ng report yan. at yung pcf niyo ng january kulang kulang. may mga over na walang resibo." umabot ng 6000plus yung sa pcf at 5999.73 yung sa payroll. at yung 1st week ng february na almost 2thousand.
after nun, tinanong ni jay kung ano sulusyon para matapos na yung problem. yung sa pcf ng first week ng feb need namin bayadan ngayon yung sa first week ng feb. nag bayad ako, sir eduard, h=jay ng 675 each. at pinadeposit sa account ng company. tapos pinagawa ako at si jay ng incident report na willing kami bayadan yung nawawalang pcf as per maam carmi.
dumating yung pullout ng service charge namin. naka hold yung sakin, jay and sir eduard. nag tanong kami. dahil daw yun sa pcf.
February 13, 2014.
Rest day ko po iyon. nag text sakin si jay, at nag tanong kung suspended daw ako. ang sabe ko "hinde. bakit? sino may sabe?" sabe ni jay "sinabe lang sakin ni nico (isang kitchen staff)." tapos nag text ako uli at sinabeng "may memo ba? buti ka pa (jay) alam mo ako di ko alam." nag iisip ako.
February 14, 2014
nag time out nako sa bandy clock namin, at tumawag si kimbo, sakin habang nag aantay ako ng trycycle at nakikipag usap sa cellphone. Sinabe ni kimbo na "asan ka?" sabe ko "andito sa baba pauwi na, may kausap lang. bakit?" sabe ni kimbo "kakausapin ka ni chef neil." "sabe ko "sige. akyat nako."
pagdating ko sa store, sa may veranda, nakaupo si chef neil at nag lalaro sa cellphone niya. tapos sabe ko "chef may sasabihin ka daw?" sabe niya "saglit lang tapusin ko lang to." nagtanong pa ko "anong game yan?" sabe niya "racing." tapos binaba niya ang cellphone at sinabeng "starting tomorrow wala ka ng schedule. dapat ngayon yan magsismula." sabe ko "suspended ako? bakit?" sabe niya "as per chef pete." sabe ko "ano daw dahilan? sabe niya "sabe lang ni chef pete isuspend ka. " nag tanong ako "how long?" sabe niya "indefinite suspension." sabe ko "san yung memo from the h.r?" mejo nagulat siya at sinabeng "ahhh. ang alam ko si pedro (chef pete) na ang tumawag sa hr. by monday may memo na yun." tapos tinanong niya ko. "ano bang nangyare?" sabe ko " saan? yung pull out ng salary or pcf? yung pcf sinalo ko lang yan pati ni sir eduard and jay. yung pull out, nag over ako." tapos nag tanong ulit ako. "dahil ba doun yung suspension ko?" sabe niya "di ko alam, basta as per chef pete/" sabe ko "chef, patapusin niyo lang yung cut off ko. para buo sahod ko." sabe niya "kausapin ko muna si pedro tapos inform kita tomorrow." sabe ko "una napo ako." Sabe niya "pumunta ka ng hr sa monday." tapos umalis na siya. natutlala ako. nag isip. at umuwi na.
Feb 15, 2014
nagtext ako kay chef neil kung pumayag ba si chef pete. sabe niya "last day mo today. pumunta ka sa hr on monday." nagpasalamat ako.
tinapos ko yung work ko at nag endorse ako kay mavic, sir ed, and jay. masama luob ko, naiyak at nadegrade. nawalan ako ng confidence. nag paalam ako sa mga kasama ko ng maayos.
Feb 16, 2014
di na ako pumasok.
feb 19 or 20, 2013
pumunta ako ng office namin. sinamahan ako ng mommy ko. my mom was waiting outside and ako lang po ang pumasok sa hr. pinag antay ako saglit ni maam alphine. tapos kinausap nako ni maam alphine. "ano nangyare? bakit ka nasuspinde? " sabe ko "di ko rin po alam yung basis nung suspension ko. pero ang tingin ko sa pcf or payroll yun." sabe niya "bakit ba kasi ikaw ang nag hahawak ng payrool?" sabe ko "maam, walang ibang gagawa. sakin na dinesignate ni sir eduard yun. nung dumating si mavic, di pa siya naapprove ng office. at andun pa si sir marc non." sabe niya "alam mo bang mag rersign si sir marc?" sabe ko "oo. di lang ako naniniwala." sabe niya "bat di ka naniniwala?" sabe ko "simple lang maam, biruan namin yun pag toxic na sa store. at hindi lang kami ang gumagawa o nag sasabe non. till such time pinasa na niya yung resignation niya. dun nako naniwala." sabe niya "ano nangyare sa payroll?" sabe ko "sa totoo lang maam, sumobra yung pull out ko. sabe ni mavic sakin. and may advance." sabe niya "anong date ka nag labas at nakiusap sa payroll?" sabe ko "feb 5 maam" sabe niya " o tapos anong nangyare?" sabe ko "maam mahirap sumagot dahil di ko sigurado yung mga date na yan e. mas maganda if anjan yung mismong pull out form namin." tapos nag tanong ako "sir emerson, kung mag resign ba ko pede niyo pa din naman ako ipatawag di ba?" sabe ni sir emerson (hr) "oo naman." tas sabe ko "di ako resign hanggat di ako clear. ayusin ko muna to." sabe sakin ni sir emerson "tama yun." tapos naputol na usapan namin. pero lumabas ako naumiiyak sa suspension ko. tapos nakipag usap mom ko kay maam alphine while antay ako sa labas. tas nung sinundo ko na mom ko sa office, sinabe ni maam alphine na kunin ko yung mga papeles duon sa liberty at ibalik sa kanya para maumpisahan ang investigation. tapos umalis na kami. but my mother decided against it, kasi suspended na nga ako at hindi na dapat pa pumunta don sa liberty.
feb 21, 2014
tumawag ako kay sir eduard at tinanong kung may sweldo nako. sabe niya meron, di lang niya alam kung naka hold salary ko. kaya pinatawag niya ko kay maam alphine. nang makausap ko na si maam alphine sinabe nitong tumawag daw ako uli icoconfirm lang niya kay maam tina. nang tumawag ako uli sinabe niyan naka hold ang salary ko. nag pasalamat ako at humingi ng pasensya. sinabe niya "no worries. hold muna ung salary" nag reply pa ako at sinabeng "kawawa naman ako. hay. thank you uli Maam. Ingat po." tapos natanong ho uli ako ang sabe ko po " Maam, question po. 2 sc ko po naka hold. tapos buong slary ko. ang involved amount sa payroll is only 5999.73. tapos additional yung pcf na sinalo ko lang. yung balance po ba nun di ko makuha?" sabe niya hold muna habang may investigation. nag tanong ako "legal po ba yun?" di na siya nag reply.
Feb 28, 2014
Nagtext ako kay maam alphine at sinabeng "Good morning maam. ask ko lang po kung ano pwede ko gawin para marelease po sc and pay ko? di siya nag reply.
MArch 5, 2014
Nagtext po uli ako kay maam alphine. "maam, kamusta napo? may update napo ba? di pa rin siya nag reply.
March 6, 2014.
bumalik kami ng mother ko kay maam alphine. para humingi ng official memo of my suspension. pinag hintay kami ni maam alphine dahil meron na daw siyang naiprepare na memo na kelangan daw iprint at papirmahan saakin. dated february 25, 2014. in-acknowledge at pinirmahan ko ang document noong march 6, 2014. nakasaad po dito na ako ay suspende simulang noong feb.16, 2014 to march 14, 2014. pero di po nakalagay kung ano ang dahilan ng aking suspension. nakasaad din po dito na wala akong makukuhang sweldo, service charge hanggat hindi natatapos ang investigation ng hr and audit. nakasulat din dito na hindi ako pwedeng pumunta sa liberty store. at sinabe ni maam alphine sa monday march 10,2014 3pm.
March 10 2014
bumalik kami ng mommy ko kay maam alphine. binigyan ako ng papel para isulat yung nangyare. napressure ako dahil 5pm uwian na ng office. nakagawa ako ng letter pero di ko ito napirmahan. mas detalyado ito kumpara sa ginawa ko sa opisina. pero nag usap kami ng personal.
-tinanong ako ni maam alphine kung kelan ako nag pasweldo. sabe ko feb 5, 2014 nag simula
-pero walang pullout form? sabe ko wala.
-pano ka nag labas ng pera? nakiusap ako kay maam tina kung pwede mag release ng pera kahit 1000 to 1500 dahil wala nang pera mga staff. pumayag po si maam tina.
-kelan mo nakuha yung pull out form? sabe ko nung feb 6, 2014. pumunta ako sa office
-pero bago mo nakita yun nung nasa papel, nakita mo na ito sa computer? sabe ko opo.
-nung binagay na sayo yung pullout breakdown, binasa mo ito uli? sabe ko di napo dahil sabay sabay na kami titingin sa store.
-nung nakita nila anong sinabe nila? sabe ko bakit kulang kulang yung salary nila, pumasok naman sila non. kaya tumawag si sir eduard non kay mark bayola para iconfirm bakit naging ganon salary nila ni sir marc. tapos lumabas nako sa function room non.
-pano yung sistema ng pag papasweldo? sabe ko name, total amount ng salary, yung nakuhang amount, balance, date na nakuha, pirma.
-bakit sa payroll na to di mo ginawa yun? sabe ko, sa totoo lang maam. sabay sabay kasi yun. wednesday pumatak yung feb 5, wala pa kaming pfc for the week, tapos may cod sa supplier. pressured kami lalo nako kung san namin kunin yun at walang sales noong time na yun.
-alam mo bang mag reresign na si sir marc non? oo na hindi ako naniniwala. kasi biruan namin yun lalo na pag toxic at stressed kami store. till such time nag bigay na siya ng resignation
-nakita mo yung breakdown bakit mali at sumobra pa din? nagkasabay sabay kasi non maam. di ko alam kung ano unahin ko. nag tatanong mga staff about the salary, nagtatanong si kimbo kung may pangbayad na sa supplier, tapos si sir eduard naman yung sa pcf. ayon.
-di mo naman trabaho yang mag papay roll bat ikaw ang gumagawa niyan? sabe ko simple lang maam, nung umalis si chef kim napag usapan namin na ako na sa payroll, as per sir eduard. wala akong magagawa, mataas yun sakin. susunod lang ako. tapos nung dumating si mavic, di pa siya approved ng office.
-dapat kusina ka lang. kaya nga kitchen manager ka e. sabe ko, sumonod ako o hinde may masasabe, mapapagalitan ako. nabubully ako jan. sabe ni maam alphine kasi inaallow mong ibully ka. sabe ko ano naman magagawa ko, e mas mataas sila sakin, pag di sumonod insubordination naman.
-lalabas dito conniving kayo si sir marc. sabe ko "conniving? magnanakaw ako? ni minsan kahit sa clawdaddy pag humawak ako ng pera ultimo 5cents sinosoli ko.
-san ka nag papasweldo? sa table 14 ako nag pasahod non.
sabe ni maam alphine, basta update kita this week kung ano manyayare.
March14, 2014
tumawag ako kay maam alphine to foolow up kung ano ang resulta ng inverstigation pero di niya ko sinagot. ito na din po ang last day ng suspension ko. pero wala pa ring resulta.
after one month after my suspension wala pa rin ping resulta. ano napo ang dapat kong gawin? salamat po.
no contract up to present
no service charge sa cut off ng january 16-31, 2014 at feb 1-15 2014.
no salary sa cut off ng february 1-15, 2014
no update sa investigation