magtatanong lang po ako, kasi may kapit bahay po kami na minura yung pamangkin ko, at patakbo nya po itong nilapitan habang nakatalikod ang bata, sa takot ko pong saktan nya ang bata e lumapit ako, matanda na po siya nasa 65 na ata, so iniwasan ko po kaso po sunod sya ng sunod sa akin kahit naupo na ako doon sa harap ng bahay namin, pero tumayo pa po sya sa harap ko at sabi nya na di daw sya nagmumura samantalang dinig na dinig ko at basang basa ko sa buka ng bibig nya na nagmura sya, lumapit po sya sa akin at sa inis ko po naitulak ko ang balikat nya na syang naging dahilan ng pagbagsak nya dahan dahan naman po syangf bumagsak pero parang umaarte na lalagyan daw dapat ng bakal ang kamay nya, wala lang daw syang pera nong gabing yun kaya daw nai cast muna at inoobserbahan pa daw ng 2 buwan kung lalagyan pa ng bakal yung kamay nya, na parang napakahirap pong paniwalaan, dahil tutubuan n ng laman yun sa ganong kahabang panahon, e ayaw naman pong makipag kasundo sa barangay, iniiba nya lang po ang kwento doon e, ano po ba ang pwedeng ikaso nya sa akin?
Free Legal Advice Philippines