(1) Kung lalayo ba ako sa pamilya ko obligasyon kong sagutin lahat ng gastos nila? Willing nman akong suportahan ang aking mga anak pero hindi sa paraang gusto ng misis ko. Alam ko ipapasagot nya sakin lahat ng gastusin habang sya nakatunganga lang. Sa condo po kasi kami nagrerent, ayaw umalis ng misis ko dun kahit nasa financial crisis kami ngayon. Nawalan po kasi ako ng trabaho hanggang ngayon nang magkaroon ng recession sa ibang bansa. Pero may jeep nman akong binili at sa misis ko pumapasok yung boundery balak kong gamitin yun pangsuporta sa mga anak ko.
(2)Pwede ba akong kasuhan ng abandonment or psychological abuse kpag nilayasan ko sila kahit na willing akong suportahan yung mga anak ko? Ayaw ko mang iwan mga anak ko pero talagang hindi ko lang matiis yung ugali ng asawa ko.
(3)Kpag naghiwalay ba kami obligado akong hatiin yung perang naipon ko sa abroad at ibigay sa kanya?
(4) At saan po ba nagpapagawa ng separation agreement para lang may kasunduan kaming masusunod kapag naghiwalay na kami?
Salamat.