Hi, my name is Mary, pwede nyo po Ba akong matulungan,year 2010 Meron po akong kinakasama at nagkaroon Kami ng anak na babae, after 1 year nagkakalabuan at tuluyang naghiwalay Pero magkahiwalay Kami na buntis pala ako at Ayaw nya akuin Ang bata, Ngayon 2 babae na Ang anak namin at parehong Malalaki na Isang 9 at mag 8 yrs old. Since na naghiwalay Kami Wala na siyang suporta na bnbgay sa mga bata, katwiran niya Ayaw nya ng anak na babae at Baka Hindi siya ang tatay,Ang tatay po Kasi ng mga bata at pure muslim (maranao),at ako naman po ay katoliko, ang pinaka main questions ko po Dito , Anu ano po Ang Mga batas at Kaso na pwede ko I apply sa korte para makahingi ng suporta sa tatay ng mga bata?, Hindi po Ba ito makakaapekto kung sakaling mag demand ako ng child's support Kahit muslim ang tatay?, Meron din po bang mga batas ang sharia law regarding sa support/at sa mga bata. Since Hindi naman po Kami kasal ng tatay nila, May karapatan po Ba ang tatay nila na I demand niya sa akin ang child marriage?. Sa Ngayon po Kasi nasa apelyido ko po ang ginagamit ng mga anak ko. Sana po matulungan niyo ako. Maraming salamat