Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

naiwang nakasanlang lupa

Go down  Message [Page 1 of 1]

1naiwang nakasanlang lupa Empty naiwang nakasanlang lupa Sun Jan 05, 2014 2:35 am

yhetdrew


Arresto Menor

Good day po atty. I would like to seek your advise in behalf of my father and my cousins. I hope magkaroon po kami ng kalinawan. Bago po mamatay Ang Lolo ko (father side) May 2 land titles po sya kung saan may 3 na bahay Ang nakatayo sa bawat title. Yung first title, naremata po ng bank at 3rd party daw po bumili kaya susuklian na lang Ang mga lolo ko. Ito Ay pinaghatian ng Lolo at Lola ko at ng 3 kapatid na Buhay ng father ko. 10 po silang magkakapatid. 6 Ang Buhay nung time na yun. Di po kasama Ang father ko sa hatian. Isa po kami sa nakatira sa sinanlang lote kaya umalis na kami bago pa Ang nakatakdang pagsheriff. Nang mamatay Ang Lolo ko, sinasabing nakasanla na din Ang 2nd title sa banko. May dumating na daw na notice ng sheriff nung last quarter ng 2013. At kailangang umalis ng Lola ko at ng mga pinsan ko sa naturang lote on or before Dec27,2013. Dec 26 umalis Ang Lola ko at anak nyang bunso at nangupahan. Naiwan Doon Ang bahay ng mga pinsan ko na patay na Ang mga magulang at Ang isa naman, nanay na lang ang buhay. Kapatid ng tatay ko Ang mga yumao nilang ama. Lumapit sa amin Ang isa kong ulilang pinsan dahil pakiwari nila, napagsasamantalahan Ang pagiging walang alam nila sa mga karapatan dahil sila Ay Di nakatapos ng pag aaral. pinangakuan daw sila nung 3rd party na saka lang sila aalis pag nabayaran na yung parte nila sa Lupa. Yung 3rd party, sya din yung nakabili ng 1st lot. Yung pangako na yun Ay nakatala sa barangay. Ngunit wala kami katibayan na may deed of sale or kung sila nga Ang tumubos sa banko. simula kasi ng umalis kami Doon. Di na kami nakialam. Ang father ko po Ay Hindi pumirma ng Kahit Anong waiver regarding sa pagbenta or pagsanla or Di pag claim ng parte nya. The least na magagawa ko pong tulong ay maiguide Ang mga pinsan ko na mawawalan ng tirahan. Kung tatay ko lang po, wala na po sana sya interest makialam. Naawa lang din po kami sa mga pinsan ko. Na mga Di naman po nagtapos at iba Di naman nakapag Aral. Nais po sana namin malaman Ang aming karapatan at dapat na hakbangin. At dapat pa po ba makihati Ang mga unang nakinabang? Maraming salamat po at pasensya na po sa mahabang kwento.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum