Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Mga naiwang lupain (properties) ng Grandparents ko

Go down  Message [Page 1 of 1]

gentil.yp2@gmail.com


Arresto Menor

Good day po.

Hihingi lang po sana ng tulong sa inyo at tatanawin kong malaking utang na loob ang kasagutan nyo.

May mga lupain sa Bicol at Maynila ang Lola ko (who already passed away) sa father-side ko . Ako ang pinaka-pangay na apo nila. In short, wala na rin po father ko, lolo ko at kapatid nya. However, may ampon po ang lolo ko (which I doubt kung may adoption papers or if she was legally adopted at that time). Pero may hand-written letter po ang Lola ko when she was still alive na she was not legally adopted by them.

Question po, is my Auntie (as adopted) will have the right for all the properties from my Lola?

Yung properties sa Bicol na ang titles ay nakapangalan pa sa Lola ko with note married to my Lolo , gusto ko na po i-dispose by selling all of them kasi wala naman po sa amin mgkakapatid o mga pinsan ko (pamangkin ng father ko)  na tumira doon. Then use the money for total renovation ng bahay namin sa maynila.

Question po, how will be the settlement for sold properties with my cousins, my sisters, my mother, and sa family ng adopted auntie ko (if may right pa rin sya)?

Back to Bicol again, sa isang lugar ng lupain ng Lola ko ay may mga nakatira na at nakausap ko na sila na ibebenta na sa mga nkatira ang lupa. Sinukatan na ang mga lupang tinitirikan ng mga bahay nila. nagkasundo na sa presyo at sa loob ng 2 years ay huhulugan nila ang kanya-kanya nilang mga lupa. may naiwang Power-Of-Attorney ang Lolo ko sa kin to dispose po yung properties sa Bicol. Will that be enough to serve as proof sa mga tao na ako ang rightful heir ng Lola ko?

Tapos po yung property ng lola ko sa Maynila, ay pinangalan sa kamag-anak nya dahil ang pagkakakwento sa akin ng lola ko at ng father ko rin ay sobrang dami ng land titles na nakapangalan under my lola's name. So what is happening now e yung kamaganak anak ng lola ko na pinangalanan sa lupa e ng aastang sya ang magdedesisyon kung anung gagawin sa lupa. Was it reasonable?

Ang gusto ko lang po talaga mangyari ay mapaayos ang bahay ng parents ko like total renovation at para magamit na rin as puhunan sa pwedeng business, kaya i am willing na ibenta na ang properties ng Lola ko.

Will it be advisable na lang po kaya na gawing collateral sa bangko un land-titles o may iba pa po kayo pwede ipayo na makakabuti.

Sa totoo lang po, ayoko na sanang intindihin ang mga ito kasi parang ito po un mga dahilan ng stress ang kinamatay ng lola at father ko. Kasi ito po ang laging bukang-bibig nila nung nabubuhay pa sila.

Sana po ay mapaunlakan nyo ang suliranin ko.

Maraming salamat po.

gentil.yp2@gmail.com


Arresto Menor

Please need help po, Attorney... thanks

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum