Nais ko pong sumangguni sa inyo.
Kasal po kami ng ina ng aking anak..
Nagkaroon na po kami ng kasunduan ng aking dating asawa tungkol sa usapin sa aming anak sa DSWD. Ako ay nawalan ng trabaho at sa kasunduan ay magbibigay lamang ako ng 2,000 kada buwan pansamantala hanggat wala pa akong nahahanap na trabaho. Nasa kasunduan din na isang beses sa isang buwan ay dapat mahiram ko ang aking anak. Pero hindi ako tumupad. Hindi ko nasusundo ang aking anak dahil masama ang loob ko sa aking dating asawa.
Ngayon ay nagpadala siyang muli ng letter mula sa DSWD. At pinatatawag ako pangatlong beses na hindi ako sumipot. Ano ang maaaring ikaso niya sa akin?
Wala pa din akong trabaho mula august. Nagkatrabaho ako sa isang call center nitong buwan ng October hanggang November, isang buwan lang halos. At ang binigay ko lamang ay ang halagang dalawang libo. Maaari bang magamit iyon ng asawa ko o mahabol dahil sa aming kasunduan ay pagnagkatrabaho ako ay ibibigay ko yung sapat na sustento na aming pinirmahan at napagkasunduan.
Ano-ano po ang maaaring ikaso pa laban sa akin ng asawa ko? Makakasuhan niya po ba ako ng child support kahit wala akong trabaho?
Maraming salamat po.