ibonidarna wrote:Wala sa batas na nagsasabi kung gaano ba ang sapat at dapat na suporta. Ibina-base ito sa kakayahan ng tao, sa estado nya sa lipunan, at pangangailangan ng mga susuportahan..
Ang masama po nito ay may mga nagsasabi sakin (at nakuhang impormasyon) na ginagamit niya ang pera na dapat ay para lang sa bata. Lumapit na daw siya sa PAO at magpapadala na daw ito ng letter tungkol dito.
Ito po ang mga katanungan ko:
1. Ano po ang unang hakbang na dapat kong gawin pagkatapos makuha ang sulat ng PAO? Anu-ano po ang dapat kong ihanda?
2. May karapatan po ba siyang gamitin ang sustento sa bata sa ibang bagay?(tulad ng sariling pangangailangan o business niya)
3. May kaso po ba akong maaring i file sakaling mapatunayan ito?
Maraming salamat po
Lubos na gumagalang,
bro_bear