Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Support of illegitimate child-father

+4
Jadis
Diana0
xtianjames
Unknownquestions2018
8 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Support of illegitimate child-father Empty Support of illegitimate child-father Thu Apr 12, 2018 5:02 pm

Unknownquestions2018


Arresto Menor

Hi may tanong po ako. May nabuntis po 4 years ago. Wala po akong pang suporta nung time na yun kasi nag aaral pa po ako. May mga naibigay naman po ako pero maliit lang po ito. Pero naabot na po ito sa pagpapahiya sa akin sa social media at may nagsasabi na din na hindi daw sa akin yung bata. Sinasabi din nya na gagalawin daw po ako ng mga kaibigin nya dahil po sa nangyari. 1year ago napagkasunduan namin na magbibigay ako dahil may trabaho na ako. Pero sa masamang pagakataon, nawalan ako ng trabaho 2 months ago at wala na akong maibibigay. Naghahanap na po ako ng trabaho ngunit palagi na nya akong tinatakot na kakasuhan nya ako. Wala po akong hand written private instrument o public document for filiation. Mostly communication namin is thru social media lang. may maipapayo po ba kayo?

2Support of illegitimate child-father Empty Re: Support of illegitimate child-father Thu Apr 12, 2018 5:45 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

Sure ka ba na sayo ang bata kung mismong nanay ang nagkalat before na hindi iyun sayo?

3Support of illegitimate child-father Empty Re: Support of illegitimate child-father Thu Apr 12, 2018 5:57 pm

Unknownquestions2018


Arresto Menor

Hindi po ang nanay ang nagsabi sa akin. May nagtext lang po sa akin na sinasabi na kay ganito yung bata. Nung sinabi ko yan sa nanay nagalit at sinasabi bakit ako naniniwala sa mga ganyan at akin daw talaga yung bata

4Support of illegitimate child-father Empty Re: Support of illegitimate child-father Thu Apr 12, 2018 6:04 pm

Unknownquestions2018


Arresto Menor

ang text messages po ba at chat sa messenger enough proof for admitting?

5Support of illegitimate child-father Empty Re: Support of illegitimate child-father Thu Apr 12, 2018 7:30 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

admitting what? kung hindi mo naman legally acknowledged ang bata, pwede mo contest sa nanay na hindi ikaw ang tatay. the burden of proof will fall upon the mother to prove na ikaw ang totoong tatay thru court ordered DNA test kung kasuhan ka nya. ang issue lang dito, pag napatunayan na ikaw talaga ang tatay, legally bound ka na na magsupporta sa anak mo.

6Support of illegitimate child-father Empty Re: Support of illegitimate child-father Fri Apr 13, 2018 6:43 am

Unknownquestions2018


Arresto Menor

Na ako po yung tatay? Since nag agree na po ako sumoporta just to be at peace. Or is yung text message na receive ko can be con considered evidence?

7Support of illegitimate child-father Empty Re: Support of illegitimate child-father Fri Apr 13, 2018 6:44 am

Unknownquestions2018


Arresto Menor

Pasensya po talaga. Naguguluhan na po ako ngayun nananakot na kasi na magpapatawag ng lawyer

8Support of illegitimate child-father Empty Re: Support of illegitimate child-father Tue Apr 17, 2018 12:05 am

Diana0

Diana0
Arresto Menor

hello po..may anak po ako sa dati kung live in partner, indi ako pumirma nang kahit anu na patunay na anak ko yong bata. pero nag dedemand yong nanay nang support.. ayaw nang asawa ko magsupport dahil ang source of income namin ay galing sa mismong business nang asawa ko nang dalaga pa sya.. unfair daw na ibigay ko sa anak ko yong pinaghirapan nya..may dalawa po kaming anak. anu po ba dapat kung gawin since magkatuwang naman kmi nang asawa ko sa business ngayon.thank you..
.

9Support of illegitimate child-father Empty Re: Support of illegitimate child-father Tue Apr 17, 2018 12:18 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

@Unknownquestions2018
kahit na nag agree ka na magsupport ay pwede mo padin contest yung filiation nyo ng bata kung talagang may pangamba ka na hindi ikaw yung tatay, right mo yun na contest.

@Diana0
pero alam mo na ikaw talaga ang tatay nung bata? if yes, required ka na magsupport sa anak mo base sa kapasidad mo at pangangailangan ng bata.

10Support of illegitimate child-father Empty Re: Support of illegitimate child-father Tue Apr 17, 2018 1:24 pm

Unknownquestions2018


Arresto Menor

Kasi nag question ako sa kanya noon sa na tatangap ko na balita na hindi daw akin pero ininsulto lang nya ako at nagalit so after non, d na ako nag open up dun sa topic na yun. Parang kasalanan ko pa na hindi ako nakapag bigay din before pero sinasabihan nya ako na kalimutan na may anak ako.

11Support of illegitimate child-father Empty Re: Support of illegitimate child-father Tue Apr 17, 2018 6:15 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

Kung valid nga yung takot mo na hindi naman talaga ikaw yung tatay ng bata ay pwede mo hintayin na lang na kasuhan ka nung nanay. She would then have to file a case in court to establish filiation between you and the child and for the demand for support.

12Support of illegitimate child-father Empty Re: Support of illegitimate child-father Thu Apr 19, 2018 4:13 pm

Unknownquestions2018


Arresto Menor

I have an additional question po tungkol dito. Ano po ways to establish filiation?? Since wala naman po ako sa BC and wala rin public or private handwritten document na pinirmahan?

13Support of illegitimate child-father Empty Re: Support of illegitimate child-father Thu Apr 26, 2018 1:15 pm

Jadis

Jadis
Reclusion Perpetua

DNA

14Support of illegitimate child-father Empty Re: Support of illegitimate child-father Thu Apr 26, 2018 1:34 pm

Unknownquestions2018


Arresto Menor

Does the court always use DNA to approva filiation?

15Support of illegitimate child-father Empty Re: Support of illegitimate child-father Sat Apr 28, 2018 1:33 am

Jyle


Arresto Menor

Hihiwalayan ako ng asawa ko. Sabi nya magbibigay lang siya kung meron syang sobra or kung kaya nya. Tama po ba yun?

16Support of illegitimate child-father Empty Sustento sa anak Sat May 12, 2018 5:14 pm

Merry


Arresto Menor

Hello po, may 4 na anak po at may asawa yong nakaliv in kung lalaki ng 5 years po, nong time na naglive in kmi nasa canada po ang asawa nya at nagkaroon po kmi nang isang anak na ngayon ay 8 yrs. Old na. Hiwalay napo kmi at ofw po ako ngayon at may isang anak narin ako sa kinakasama ko ngayon. at siya naman ay nagmigrate na sa canada ksama mga anak at asawa nya. Ang tanong ko po may karapatan po ba akong maghingi nang sustento sa ama ng anak ko? Kahit na tumutol or di papayag ang asawa nya? Nagpirma po sya sa birthcertificate ng anak ko.

17Support of illegitimate child-father Empty Re: Support of illegitimate child-father Thu Jul 26, 2018 9:40 pm

miami_girl1

miami_girl1
Arresto Menor

Unknownquestions2018 wrote:Does the court always use DNA to approva filiation?

Yes, especially kung kasama sya sa petition nung mother ng bata. Exclamation

18Support of illegitimate child-father Empty father side Sat Jul 28, 2018 2:52 am

BREE040190


Arresto Menor

hello po good day po itatanong ko lang po sa side naman po ng tatay ganto po kasi yun may anak po asawa ko sa pgka binata nya at nka apilyedo sknya ngunit hindi sila magkasama ng bata babae ang anak nya at 13 yrs old na kame naman kay kasal na at dalawa na ang anak isang 5 yrs old at isang palabas palang sa mundo buntis po ako ngayon .Ganto po kasi yun isang seaman po ang asawa ko at messman palang po ang posisyon nya sa barko simula nman po nuon ay nagbibigay n sya ng suporta sa bata ngunit hindi nman po ganun kalakihan at minsan po nahihinto dn po pero hindi nman po nawalan ng suporta yung bata ...At ngayon po ay yung nanay po ng bata ay ng dedemand ng right support dw po at sinabing mg file na dw po sila ng kaso about sa asawa ko ..at nagsasabi pa po na half mg earnings ni mister mapunta sa anak nila at pwede dw po mawalan ng trabaho asawa ko ..nag sisimula palang po kame ngayon ng mister ko ano po ba ang batas talga sa ganyan kaso at magkano po ba talaga ang dapt na porsyento at tama dn po ba ang sinasabi ng dati nyng kinasama at panay pananakot pa sa amin ...salamat po

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum