Gusto ko lang po sana itanong ung tungkol po sa pagsusustento ng tatay ng mga anak ko. Meron po kaming dalawang anak 1 1/2 yr.old at isa pong 3 years old. Hindi po kami kasal. Almost half a year na po kaming hiwalay. Ngaun po meron po kaming naging agreement na kung magkano po ang swesweldohin nya ang kalahati po nun ay ibibigay nya sa mga bata at kapag nagkasakit ang mga ito ay magbibigay pa po sya para dito pero hindi po ito nasusunod kasi ang lumalabas po ngaun ay kung magkano lang po ang gusto nyang ibigay regardless po ung napagkasunduan and sinasabi din po nya ngaun na sa basic lang daw po ang paghahatian ung ot daw po nya ndi kasama. thanks po