pumayag sya sa kalahati ng sweldo nya.
Now after 3 years, magkarelasyon pa rin sila ng kabit nia, which is by the way hiwalay din sa asawa at my 3 or apat na anak. Nagaaral na po pareho ang dalawa kong anak preschool at grade2. habang lumalaki po sila ay nadadagdagan na din po ang gastusin ng mga bata ngunit same amount pa din po ang binibigay nya..Noong magsimulang magaral ang aming mga anak, ang sabi nya ay isa lamang ang kaya nyang suportahan. isang anak ko lang po ang sinagot nia ang tuition. Kaya napilitan po ako na umutang ng pera, dahil sapat lang ang aking kinikita para sa pambayad ng renta ng bahay at bills at iba pang gastusin.
noong nov. 2014, naaksidente po ang asawa ko sa motor. halos isa at kalahating buwan po siya hindi nagbigay ng financial support dahil malaki daw po ang nagastos nila sa hospital. Antayin ko na lang daw kung kelan nia makukuha ang SSS nia. Ngunit hindi ko na po talaga kinaya karguhin lhat ng gastusin sa bahay. sinabi ko sa kanya na mapapalayas na kmi sa tinitirhan namin..in short pinilit ko ang asawa ko at pamilya nya na magbigay ng supporta kahit masasakit ang mga salitang binibitawan nila. Nagalit din po ang mga byanan ko, at nagbanta din na tanging yung 5000 kada sahod na lang ang ibibigay nila at hindi na pagpapadala ng ano man ibang tulong, pagkain o pambaon ng mga bata.
Ngyun po, gusto ko po humingi ng payo dahil gusto ko po sana na ang korte na lang ang magdisisyon kung ano ang sasapat na suporta na dapat ibigay ng aking asawa para sa aming mga anak. May kaya po ang magulang ng aking asawa, may 2 bahay na pagaari at negosyog carinderia, meron din po silang sinusuportahan na mga hindi nman nila kaano ano..anak ng kapit bahay na sila na ang nagpalaki ngunit hindi naman legally adopted. I.T network specialist ang trabaho ng aking asawa sa SMITS San Miguel Corp. at doon din ngttrabaho ang father inlaw ko..
Sa mga panahong, nagigipit ang pera ko pang gastos nmin magiina, ang gusto nilang mangyari ay hayaan ko na lamang sa puder nila ang mga anak dahil mas maibibigay daw nila ang mga luho at pangangailangan ng mga ito...syempre hindi nman ako makakapayag.
Ayoko na po na kailangan ko pa ipaalala ang mga obligasyon nya at makipagsindakan sa kanya para lang sa supporta..
ano po ang hakbang na pwede kong gawin para korte na lang mismo ang maguutos sa supporta na dapat nyang ibigay sa aming mga anak.
Sana ay matulungan nio ako, hindi ko din po kayang magbayad ng lawyer dahil hindi sapat ang sahod ko..18,000 per month po ang sahod ko pero 3000-5000 lang ang net income ko kada sahod sa laki ng mga utang na nkakaltas sa sahod ko.
please advise.